SA TAMBALANG “KISSTON”: Paglilink kina Tony Labrusca at Kisses Delavin, pilit na pilit!

Tony Labrusca and Kisses Delavin

DAHIL SA pagbaklas ng tambalan nina Marco Gallo at Kisses Delavin a.k.a. KissMarc dahil sa isang hidwaan na minabuti ng management na buwagin na lamang, ngayon ay pinipilit i-link ang PBB graduate sa La Luna Sangre star na si Tony Labrusca.

Kakapanood lang namin ng video ng dalawa from ASAP Chill Out at sa totoo lang, pilit na pili tang pagpupush sa dalawa, huh!

Si Tony Labrusca kasi, barakong-barako ang dating. Kung hindi man siya kay Kathryn Bernardo itatambal (aminin niyo – malakas din ang chemistry nila!), dapat ay i-build up siya with someone with the same maturity and intensity as him. Kung kami ang tatanungin, mas bagay siyang ipares kay Sue Ramirez o Sofia Andres. Puwede rin kay Jane Oineza o Julia Barretto.

Sa katunayan, keri na ni Tony na i-loveteam sa older Kapamilya stars like Erich Gonzales if given a chance.

Si Kisses Delavin kasi ay bagets na bagets ang dating. Kumbaga, dapat sa kapareho niyang teenager pa rin gumalaw siya ipares. Kung after La Luna Sangre ay malilinya si Tony sa mga pabebe roles, sayang naman ang build up sa kanya sa serye.

Well, hindi pa naman huli ang lahat. Sana ay pag-isipan muna ng management kung worth it ba na i-build up as a loveteam ang dalawa kung magkaiba naman ang kanilang target market.

Related Post

loading...

2 thoughts on “SA TAMBALANG “KISSTON”: Paglilink kina Tony Labrusca at Kisses Delavin, pilit na pilit!

Leave a Reply

Your email address will not be published.