Sa takot na sumunod kina Rudy at Dolphy
Joey Marquez, nagpa-stem cell na rin

SA LOCATION shooting ng Raketeros sa Leviste Farms, Lipa, Batangas nakatsikahan namin ang cast na binubuo nina Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Dennis Padilla, Andrew E, Long Mejia at may special participation si Joey Marquez na idinirek ni Randy Santiago.

Ayon kay Joey, tinanggap niya ang role kahit ‘di pa nababasa ang script dahil mga kaibigan niya ang makakasama.

Hindi tumatanda si Tsong (tawag kay Joey Marquez). Tinanong tuloy siya kung nagpa-stem cell dahil mukha pa rin itong binata.

“Yes, last year pa ako nagpa-stem cell. Dito lang sa ating bansa. Pero ‘di para bumata, gusto ko lang maging maayos at walang diprensiya ang mga internal organ ko,” say ni Tsong.

Pero how true na kaya siya napilitang magpa-stem cell theraphy ay sa takot na sumunod kina Rudy Fernandez at Dolphy?

‘Di ba naging live-in partner ni Rudy si Alma Moreno bago pumasok si Lorna Tolentino sa buhay ni Daboy?

Si Mang Dolphy rin ay naging live-in partner ni Alma, bago pumasok sa buhay ng Comedy King si Zsa Zsa Padilla.

Si Joey ang ama ng mga anak ni Alma at sila rin ay nagkahiwalay bago nagpakasal ang huli sa Muslim na balitang hiwalay na rin ang actress.

“Natakot talaga ako. Lalo nang sinabihan ako ng anak ko na si Wyn Wyn, “Dad you’re next in line…”

‘Di ba ang sakit nina Rudy at Dolphy ay nasa internal organ kaya sila binawian ng buhay?

 

MATUNOG NA nga ang paglipat ni Lovi Poe sa TV5 at kasama pa raw nito na magiging Kapatid ay si Solenn Heusaff na magtatapos na rin ang kontrata sa GMA-7.

Kapag nagkataon ay tatlong mabibigat na stars ng Kapuso ang magiging Kapatid sa buwan ng July, dahil sa naturang buwan din magtatapos ang kontrata ni Ogie Alcasid na nakausap at kinulit uli ng press na dumalaw sa location shooting ng Raketeros.

In fairness kay Ogie, umiiwas itong sagutin ang pangungulit ng press sa isyu paglipat niya sa TV5.

“Hindi pa ako puwedeng magbigay ng pahayag sa isyu. Sa June pa magtatapos ang kontrata ko sa GMA-7,” say ni Ogie.

Sa nagtatanong kung bakit iilan na lang ang episode niya sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA-7, “Natiyempo na nagbakasyon kami ni Regine Velasquez  noon kaya ilan lang na episode ko sa Bubble Gang. Ngayon ay madalas na ako uli sa BG. Kayo talaga kung anu-ano ang iniisip ninyo,” say pa ni Ogie.

Anyway, dalawang linggong mawawala uli si Ogie ng bansa dahil dadalo sila ni Regine Velasquez sa kasal ng pamangkin niya sa New Jersey. Kakanta siya sa kasal, pero ang gumulat sa ilang press ay siya rin daw ang magkakasal sa pamangkin.

Kung bakit, ‘di naman siya isang priest or pastor, hindi rin masagot ni Ogie. “Maging ako nga ay na-lilito at nagtaka. Pero tila tradisyon daw yata roon na ‘yung panganay na kamag-anak ng ikakasal na babae ay may karapatang magkasal. Aywan ko, ‘di ko rin maintindihan at maipaliwanag,” natatawang pahayag pa ni Ogie.

 

ITINANGGI NI Louise delos Reyes ang balita hiwalay na sila ng boyfriend na si Enzo Pineda nang makausap namin siya sa launching ng panggabing drama serye nila ni Alden Richards sa GMA-7.

“Okey naman po, we’re good. Pero siyempre ‘di nawawala ang tampuhan. Pero sana huwag na po nating pag-usapan ang aking lovelife, hangga’t maaari,” say ni Louise.

Masuwerte sina Louise at Alden dahil kahit alam ng lahat na hindi sila in real life ay tinatangkilik pa rin ang loveteam nila sa project na ipinagkakatiwala sa kanila ng Kapuso Network.

Samantala, masaya rin si Louise na may project na rin si Enzo sa GMA-7, bilang  kapartner ni Kim Rodriquez (dating Komatsu).

Wala naman daw mangyayaring selosan sa kanila ni Enzo dahil napag-usapan nila na anuman ang gagawin nila sa kanilang role ay parte ito ng kanilang trabaho bilang artista.

Malabo rin daw na pagselosan niya si Kim dahil magkaibigan sila ng bagets star at naka-concentrate sila sa kanilang showbiz career.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Sa takot na sumunod kina Rudy at Dolphy
Joey Marquez, nagpa-stem cell na rin

  1. hindi kasi afford ng iba ang stem cell na yan kaya kawawa naman sila… haynaku sana naman may makaimbeto ng stem cell na abot kaya ng masa noh! para hindi mga mayayaman lang ang nailalayo sa kamatayan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.