Sa Takot na Mag-isa; Napoles, Inatake

KINUMPIRMA NG pambansang pulisya na inatake ng alta-presyon ang isa sa itinuturing na reyna ng P10-bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles bandang alas-4:43 ng madaling araw kamakailan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay PNP PIO chief S/Supt. Reuben Theodore Sindac, nasa 200 over 130 ang naitalang blood pressure ng mga manggagamot dahilan upang dumaing ng matinding pagkahilo at pagsusuka ng kontrobersyal na negosyante.

Nabatid na bumaba rin ang sugar level nito na nasa 90.

Inihayag pa ni Sindac na matapos painumin ng gamot si Napoles ay bumaba na ang blood pressure nito na nasa 140 over 80.

Maaalala na unang araw naman niya sa lugar ay “anxiety attack” ang dumale kay Napoles.

Sinabi ni Sindac na ma-liban daw kasi sa sakit na diabetes ay may “claustrophobic disorder” si Napoles at hindi ito sana’y sa isang maliit at saradong area.

Ang bagong detention facility ni Napoles ay may sukat na 82.4 square meters at napalilibutan ng rehas ang mga bintana, pintuan at maging ang kisame ng gusali.

Lumalabas sa pagsusuri ng mga doktor, bumagsak umano sa 40 milligrams per deciliter ang kaniyang sugar level at tumaas sa 180/150 ang kaniyang blood pressure.

Inaasahan ding bibisita kay Napoles ang immediate family nito kasama ang kanyang mga pribadong doktor para sa isang detainee sa SAF facility.

Samantala, umaapela naman ang kampo ng negosyante na huwag nang isapubliko ang visiting hours nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.