Sa takot na iwan ng misis; Preso, sinaksak ang sarili

NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL sa pamamagitan nang pagsaksak sa tiyan ang isang preso sa loob mismo ng kanilang selda sa Aklan Rehabilitation Center (ARC) sa Brgy. Nalook, Kalibo, Aklan.

Kinilala ni PG2 Teddy Esto, officer-in-charge ng ARC ang inmate na si Adonis Mationg, 32, may kasong robbery.

Sinabi ni Esto na nakita ng kapwa preso si Mationg na sinaksak ang kanyang tiyan sa loob ng kanilang selda gamit ang pinatulis na kutsara.

Napag-alaman na noong nakalipas na Setyembre 23 ay ipinasok sa kulungan si Mationg dahil sa pagnanakaw sa Malay, Aklan.

Agad naman siyang sinampahan ng kasong robbery.

Sinabi naman ng ilang kasamahan ni Mationg sa kulungan, palagi itong nangangamba na kung magtagal pa siya sa kulungan ay baka iwan na siya ng kanyang asawa.

Madalas din umano niyang iniisip na baka wala nang kinakain ang kanyang mga anak.

Samantala, nananatili pa rin sa Aklan Provincial Hospital ang inmate.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.