Sa sunud-sunod na suwerte sa career Derek Ramsay, naungusan na sina Piolo Pascual, Sam Milby at John Lloyd Cruz!

HINDI LUMALAKI ANG ulo ni Derek Ramsay para maging mayabang bunga ng magagandang nangyayari sa takbo ng kanyang showbiz career. Bukod sa patok na rin siyang TV host, hindi na rin siya nababakante sa paggawa ng teleserye sa bakuran ng ABS-CBN. Sunud-sunod na rin ang kanyang mga pelikula, dahil pagkatapos ng blockbuster na No Other Woman ng Star Cinema at Viva Films ay kasama rin siya sa pelikulang The Unkabogable Praybeyt Benjamin at kung mapagbibigyan siya ng Viva Films ay inilalambing niyang siya ang magbida sa remake ng pelikulang Totoy Bato na pinagbidahan noon ng yumaong Action King na si FPJ.

Lagi lang napapangiti at speechless si Derek kapag sinasabing siya na ang bagong Box-Office King dahil pumatok sa takilya ang movie nila nina Anne Curtis at Cristine Reyes. Hindi makapagsalita si Derek kapag inuulan siya ng mga papu-ring salita, na diumano’y kinabog na raw niya ang maraming aktor sa Kapamilya Network, gaya nina Piolo Pascual, Sam Milby at John Lloyd Cruz. Para sa boyfriend ni Angelica Panganiban, suwerte iyon na dapat ipagpasalamat kesa ipag-yabang.

Mataas ang respeto ni Derek sa mga katulad nina Piolo, Sam, John Lloyd at iba pang artista na laging naghahari sa takilya. “Ako naman kasi, katulad nila ay gumagawa lang din ng mga pelikula. Pero nakakataba talaga ng puso ‘yung masabi na katulad nila ay mayroon na rin akong nasalihan na pelikula, na nagustuhan ng mga tao. Nakakatuwa siyempre. Ine-enjoy ko lang itong mga nangyayaring ito. Magsisikap pa rin tayo, dahil sobrang happy na ako sa mga nangyayari at ginagawa ko nga-yon,” wika ni Derek.

 

ISA SI MARICEL Soriano sa mga bida ng pelikulang Yesterday, Today And Tomorrow ng Regal Films, kaya naman sa ilang buwan niyang pananahimik tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya at ng dalawa niyang dating kasambahay na nagsampa ng reklamo tungkol sa diumano’y pagmamaltrato niya, ngayon lang siya nagsasalita. May mga ibinibintang siyempre sa kanya ang mga dating kasambahay na sina May Cachuela at Camille Acojedo, na kanyang itinatanggi.

Napapanahon ang paglantad ni Maricel, kesa nga naman ‘yung makipagsabayan siya noon sa paglalahad nina May at Camille ng kanilang reklamo. Nagbabalik-showbiz si Marya, kaya dapat lang na linisin niya ang kanyang pangalan.  Matagal din niyang iningatan ang kanyang kasikatan, at malakas ang impluwensiya niya sa mga tao, hindi lang dahil tinagurian siyang Taray Queen, kundi naroon ang paghanga sa kanya ng maraming kapwa niya artista dahil sa kanyang katatagan sa maraming pagsubok, ganu’n na rin sa kanyang pagi-ging malapit sa Diyos.

May mga kumukumbinsi sa dating mga kasambahay ng Diamond star, na ituloy nila ang kanilang pakikipaglaban kay Marya, para lumitaw ang katotohanan. Samantala, mayroon din namang mga kapwa artistang nagmamalasakit sa magaling na aktres, na ngayong nagbabalik na siya sa kanyang acting career, kailangan talagang maging klaro na ang lahat, para mawala ang agam-agam ng kanyang mga tagahanga kung ano nga ba ang tunay na pagkatao ng kanilang idolo sa likod at harap ng kamera.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Sa sunud-sunod na suwerte sa career Derek Ramsay, naungusan na sina Piolo Pascual, Sam Milby at John Lloyd Cruz!

  1. Ang bobo naman ng writer na ito (mechor baustisa), compare ba naman si Derek kay John Loyd, isang movie palang si Derek kung hindi pa star cinama ang gumawa hindi ito kikita. e di subukan gumawa ni Derek sa ibang movie outfit like sa Viva lang siguradong hindi kikitain ng kinita ng movie niya sa No Other Woman.Beside nagsisimula palang si Derek, i’m sure yung next movie niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.