Sa sunud-sunod na ‘pambabastos’ sa mga iniidolo ng masang Pinoy
Georgina Wilson, kakastiguhin na ng samahan ng entertainment managers?!

HINDI LANG ito ang unang pambabastos ng half-Pinoy, Half-British na model-host na si Georgina Wilson sa mga iniidolo ng mga Pinoy.

Parang wala siyang kadala-dala sa ginagawa niyang pambabastos sa “idol” ng masang Pinoy.

Noon una, pinaglaruan niya ang mukha ni Nora Aunor na idinikit niya sa isang katawang seksi na naka-two-piece. Pangalawa, tinarayan niya sa kanyang Tweet ang loveable na si Ryzza Mae Dizon.

This time naman, ang mga supporter ni Manila Mayor Joseph Estrada, tinawag iyang mga ‘fucking idiots’ sa kanyang Twitter.

Ngayon, nag-react ang mga halang ang mga bituka sa Manila na may pangako na reresbakan nila si Georgina. Kung hindi makakatangap ng pana at tirador ang magandang mukha niya, malamang sa hindi, palihim na titirahin nila ayon sa parating na balita sa amin.

Dahil sa planong resback nila kay Georgina, nakot ang nagtatapang-tapangan na si Georgina at biglang kabig sa kanyang Twitter muli na nagsasabi na ang statement niya about those was tweeted 4 years ago when she was still studying at the University of Australia.

Pero depensa ng mga taga-Manila na bumoto kay Erap na galit na galit kay Georgina, “Sinasadya niya na magpaka-kontrobersiyal. Four years ago, nanahimik si Mayor Erap at hindi tumakbo sa anumang local position sa Manila. Nag-a-alibi na lang siya to save herself from the situation.

“Ngayon na mainit ang mga tirador at do or die gang ng Baseco at sa mga dating Smokey Mountain, bigla siyang takot sa mangyayari sa kanya,” dagdag ng source namin.

Maging ang PAMI, samahan ng mga talent managers sa showbiz, kung saan kabilang ang manager niya na si Shirley Kuan ay planong pag-usapan ang isyung ito dahil sa sunud-sunod na pinaggagawa ni Georgina sa ibang mga taga-showbiz (like Nora and Ryzza Mae) at ngayon nga ay kay Mayor Erap na isang hayagang pambabastos para ma-reprimand ito.

 

MATAPOS ANG giyera patani ng mga Barretto hanggang sa magpagpag sila ng kani-kanilang baho at si Marjorie naman ay humabol sa eksena sa kanyang iskandalosang litrato na kumalat sa internet, mukhang blessings para sa baguhang si Julia Barretto ang magandang balita na siya ang bagong “Cofradia”, isang karakter sa komiks na isinapelikula ni Gloria Romero in the early 50’s at Gina Alajar in 1973, na ngayon naman ay gagawing teleserye ng ABS-CBN & DreamScape Television para sa baguhan.

After the storm, ito nga marahil ang simula ng magandang umaga, ‘ika nga para sa isang bagong Barretto.

Seeing her in person up close, we’ve realized that she’s prettier than her Tita Gretchen or Tita Claudine.

She’s very pretty, sweet at bagets na bagets ang tipo ni Julia na kung paniniwalaan, sa mga lalaking kasabayan niya na ini-launch as the newest Star Magic Talents for 2013, siya ang crush ng halos lahat.

From Khalil Ramos to Jerome Ponce of Be Careful With My Heart to the youngest son of Sen. Jinggoy Estrada na si Julian, apple of the eye ng mga boys si Julia.

Sa katunayan, wala pa nga leading man na napipili for Julia sa unang lead role niya na ang balita namin if not two ay tatlong new male finds ng Kapamilya Network ang magiging bahagi ng buhay ng bagong Cofradia.

Pero para sa tiyahin niyang si La Greta, “She will be greater than me. Julia will be greater than all of us.”

 

DAPAT PAGSABIHAN na ni Ai-Ai delas Alas ang anak na si Sancho na huminahon.

Ang galit sa sinasabing pananakit sa kanya ng dating mister na si Jed Salang ay hindi maghihilom hangga’t mainit ang ulo at gustong mag-resbak ng anak.

Kung ako kay Sancho, kung gusto niyang gumanti kay Jed, better shut his mouth at tumira nang tahimik para magulantang na lang ang kanyang “step-daddy” kung sakali.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

5 thoughts on “Sa sunud-sunod na ‘pambabastos’ sa mga iniidolo ng masang Pinoy
Georgina Wilson, kakastiguhin na ng samahan ng entertainment managers?!

  1. Duon sa anak ni Ai, dapat lang. Alangan namang hindi na lang siya kikibo parang ibig sabihin ok lang kahit bugbugin mo ang nanay ko. Wala sa magandang pag-uugali or etiquette na magsalita ako or magpost ng masamang salita sa social media, ganun ba yun? Duh!!

  2. HAHAHA. KAHIT NAMAN GIMIKERA ITONG SI GEORGINA WILSON, MAS KA-CHEAPAN KUNG PAPATULAN PA SIYA NG PAMI. DEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.