Sa sobrang selosa: MELAI, BAKA KALASAN AGAD NI JASON!

NATUPAD ANG PANGARAP ni Jed Madela na maging special guest ni Megastar Sharon Cuneta sa Valentine’s presentation ng Sharon noong Linggo.

“Tuwing may special occasion si Mega, umaasa talaga ako na gawin niya akong guest. Hinding-hindi ko pa rin nakalilimutan na noong bata pa ako, masugid na niya akong tagahanga. Lagi akong sumusulat sa kanya noon at lagi rin naman akong nakatatanggap ng sagot. Sabi ko, napakabait pala ng idol ko. It was when I grew up that I learned na parents ko pala ang sumasagot ng mga sulat ko kay Mega,” natatawang kuwento ng sikat na sikat na ngayon sa ‘Pinas na international singer.

“Ginagawa pala iyon ng parents ko to inspire me. Sinasabi nilang kapag pinagbuti ko ang pagiging singer, siguradong mami-meet ko ang idol ko. Iyon talaga ang naging inspirasyon ko. Araw-araw, masipag na masipag akong nag-eensayo. Hinihintay ko ang panahong sumikat din ako kahit paano para maimbitahan ako sa show ni Sharon. Hindi lang ako naging guest, last Sunday, nag-duet pa kami,” patuloy niya.

Kasama ni Jed na naging guest sa Sharon sina Richard Poon, MYMP, at si Dominic Ochoa bilang co-host ni Mega.

Incidentally, pawang lovers ang audience ni Mega nang gabing iyon. Isang sit-down dinner ang inihanda ng staff at dressed to the hilt talaga ang mga bisita. Pumili rin sila ng apat (as in four) or 2 pairs at hinandugan nila ng bonggang dinner sa La Mesa Grill (na pag-aari pala ni Sen. Kiko Pangilinan).

GUMULONG SA KALIGAYAHAN ni Melissa Cantiveros, a.k.a. Melai, ang Big Winner ng Pinoy Big Brother (Double Up) nang manalo siyang Big Winner noong Sabado.

Kinabukasan Linggo, umiyak siya sa selos nang paghahalikan si Jason ng naggagandahang chicks sa backstage ng The Buzz.

Totoo pala ang sabi ni Pareng Roy (ex-BF ni Melai) na sobrang selosa ni Melai. “Kahit nga pinsan ko, pinagseselosan niya at pinag-aawayan namin,” wika ni Roy nang magkausap sila ni Jason sa Bahay ni Kuya.

Hindi tuloy malaman ni Jason kung ano ang gagawin sa GF. “Mga fans natin ang mga iyon,” aniya. “Huwag mo silang pagselosan, dahil sila ang nagpanalo sa atin. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo dito ngay-on!”

Naku ha! Iyon ang dapat ilagay ni Jason sa utak ni Melai. Kapag nagkataon, matutulad ang relasyon nila sa nangyari kina Melissa at Roy.

Boto pa naman ang parents ni Melai kay Jason bilang BF ng kanilang anak. Siyempre, boto rin ang lola ni Jason kay Melai. Ipinakilala na ni Jason sa lola niya si Melai, remember? Nu’ng dalawin ng lola ang apo sa Bahay ni Kuya.

Siyanga pala, sa dami ng magagandang humahalik at naloloka kay Johan ngayon, ituloy pa kaya ng binata ang panliligaw kay housemate Cathy? Mag-isip-isip siya. Pinili na ni Cathy si Hermes noong nasa Bahay sila ni Kuya. Mas marami namang mas deserving sa kanya ang makikilala niya ngayong may career na siya sa showbiz.

SALUDO NAMAN KAMI kay Paul Jake, ang “Negosyante Prince” ng Cebu at 2nd big placer ng PBB (Double Up).

Kahit posibleng siya ang naging Big Winner, he expressed his sincere happiness for Melai, da Big Winner. Actually, hindi lamang para kay Melai, kundi para din kay Jason, Johan at Tibo.

Natutuwa si Paul Jake dahil, makakaahon na sa kahirapan ang mga housemate niya. He has learned a lot from them sa loob ng apat na buwang pagsasama nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

“I am happy where I am,” aniya. “I am very much contented with being 2nd placer,” katuwiran niya. Nakita niya kasi kung gaano kasaya ang buong pamilya ni Melai sa bagong bahay at buhay na haharapin nito. Happy rin siya para kay Johan na nanalo din ng lupa’t bahay, kahit less bongga ito kaysa napanalunan ni Melai.

Paul Jake has also found true friends in Jason and Tibo. He should also know probably na marami na rin ang humihiling na maging mas visible siya on TV ngayon. How about it Big Brother?

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

6 thoughts on “Sa sobrang selosa: MELAI, BAKA KALASAN AGAD NI JASON!

  1. Huag na lang magenglish at iwasan ang super hyper ni Melai, para kasing pinapasukan ng sili ang kuwan niya. Mag enrol sila sa Personality Development. Maging relax, calm at alisin mga bad mannerism. They can see themselves in the screen how terible it is. Mag voice lesson din sila. PLEASE WAKE UP HABANG MAAGA PA, OTHERWISE MGA BUMOTO SA INYO MAWAWALAN NG GANA. Improve. DONT SHOW OFF, IMPRESS.

  2. Payo ko kay Milai, maging cool naman siya at hindi masyadong super hype na parang pinasukan ang kuwan ng sili. Huag na lang mag english dahil baluktok talaga. Mag aral ng Personality Development. Si Jason naman, mag focus din siya sa sarili niya, mag enrol din siya sa Personality Dev., voice lesson. Sa kanila, dont overdo ang pagiging probinsiano/na. Alisin mga bad mannerism. Alisin ang po opo kapag kausap below 50 years old ( ive read this advice in here). Para tumagal at matagumpay ang hinaharap nila. DONT BE INSENSITVE NOT TO UNDERSTAND THIS VALUABLE MESSAGES. Paul

  3. Nabasa ko ang previous article mo about kay Cathy Remperas. Before you write a story make sure that what you are writing is correct.

    Hindi Johan fans ang nagpa firework kay Cathy nung lumabas siya sa bahay ni Kuya kundi kaming mga Cathy fans (Cathyriffics) get your story straight. Pumunta pa kami ng fire department para lang makakuha ng permit. So give credit where credit is due.

    At sobrang insecure ka naman yata kay Cathy at palagi mong hinihila pababa sa mga articles mo. Are you scared that given the right manager and handler Cathy will outshine your alaga?

  4. Eto na naman ang bitter na gurang na reporter na to!

    Hoy hitad maghanap ng makakantot mo! at wag kang mange-alam sa buhay ng iba! hahha

    Ingeterang baklang hitad na to!

Leave a Reply

Your email address will not be published.