Sa sobrang kalasingan Birthday Celebrant, Inatado ng Ama

SA PAGAMUTAN ang bagsak ng 27-anyos na lalaki na nagdiriwang sana ng kanyang kaarawan matapos masaksak ng 63-anyos na ama sa kalagitnaan ng masayang pagdiriwang dahil sa sobrang kalasingan sa Zamboanga City.

Base sa report ng mga kinauukulan, nag-iinuman ang biktima na si Angelo Parangan at ang kanyang amang si Perperio Parangan kasama ang iba pang mga kamag-anak.

Sa kalagitnaan ng inuman, nagkaroon ng diskusyon umano ang mag-ama tungkol sa isang bagay hanggang sa napikon ang salarin at bigla na lamang kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang kanyang anak.

Matapos ang insidente, kahit nahihirapan mang maglakad ng suspek dahil sa sobrang kalasingan ay pinilit pa nitong makatakas.

Samantala, kaagad namang dinala sa Zamboanga City Medical Center ang sugatang biktima.

Nahuli rin ng mga awtoridad ang ama ng biktima matapos ang isinagawang follow-up operation sa pinagtataguan nitong bahay sa mismong lugar.

Sa ngayon, nakadetine sa selda ng pulisya ang suspek at hinihintay pa ng pulisya kung itutuloy ba ng anak ang pagsampa ng kaso sa korte laban sa kanyang sariling ama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.