Sa sobrang kagipitan: Aktor, pinagkakakitaan ang anak na may dengue?!

BLIND ITEM: SOBRANG gipit ba ngayon ang aktor na ito?

Paano ba naman, Inilalako niya sa mga TV networks ang pagpi-feature sa anak niyang nabiktima ng dengue. Ibig sabihin, naniningil siya ng honorarium kapag iniinterbyu siya at inilabas sa TV ang kanyang anak na na-confine dahil sa usong sakit ngayon.

Op kors, kahit paano e, news worthy naman ‘yon. Kaya lang, hindi lang namin maisip na pagkakakitaan pa niya ang kanyang anak na nagkasakit dahil sa dengue.

Usually kasi, kapag may mga interviews na ganu’ng tipo e, hindi na binabayarn ang mga artista dahil hindi naman sila uma-acting sa pagkakataong ‘yon. Wala naman silang ibibigay na serbisyo.

Kung sakaling ma-interview sila tungkol sa ganu’ng isyu e, para lang magbigay sila ng babala sa mga tao na mag-ingat para hindi mabiktima ng ganu’ng sakit at para magkaroon na rin ng impormasyon at awareness ang televiewers kung ano talaga ng nangyayari sa dengue victims, lalo pa’t mga celebrities sila.

Hayz!!! Mapa… pailing ka na lang talaga kapag may ganitong mga taartits… getz?

NATAPOS NA ANG last taping day ng Basahang Ginto at nagkaroon na ito ng cast party sa Ratsky’s Morato.

Siyempre, present ang lahat ng cast at pati na rin ang kanilang mga celebrity dyowa para makisaya sa naturang party.

Bitbit ni young actor, na anak ng isang veteran actor ang kanyang dyowa na hindi naman kasali sa cast ng Basahang Ginto at habang umiinit ang gabi e, mukhang nag-init din ‘yata ang dalawang lovers sa kanilang iniinom na cocktail sa kanilang table.

Why?

Nu’ng nagpapa-raffle na kasi ang production heads para sa kanilang mga staff e, biglang tumayo si young actor at ‘saka naman siya sinundan ng kanyang young actress na dyowa.

Saan sila nagpunta? Du’n sa isang sulok ng Ratsky’s kung saan sila umupo sa isang sofa at ‘saka nag-L-to-L nang napaka-torrid na para lang silang nasa shooting.

Dahil busy ang lahat sa pagtutok sa nagpapa-raffle dahil major prizes na ang ipinamimigay, kami naman, dahil hindi kami kasali sa raffle e, nakatutok ang aming mga mata sa dalawang lovers na sobrang hot nu’ng gabing ‘yon.

Kontrobersiyal din naman ang young actress dahil palaban ito at may ilan nang nakatarayan sa showbiz. Hindi lang namin alam na palaban din pala siya kung L-to-L ang pag-uusapan. Je,je,je!!!

Sabi nga ng mga Hapon na nagpupumilit magsalita ng Tagalog, “…roko-roko talaga aktor.”

At kung buhay pa ang talentadong ama ng young actress, sigurado, masasabon ito kapag nalaman ang kanyang ginawa sa harap ng mga party people in the house… getz?

MUKHANG AYAW MAGPATALBOG nina JayR and Kyla sa ibang mga local artists natin na sumisikat na sa Asia dahil tumulak ang dalawa yesterday morning off to Jakarta, Indonesia para du’n i-launch ang kanilang duet album.

Hindi namin nakuha ang ibang mga detalye pero para mag-launch ang dalawang recording stars ng album sa Indonesia, ibig lang sabihin nu’n e, meron ding demand sa kanila sa bansang ‘yon.

Kung sakali, hindi lang si Christian Bautista o si Jericho Rosales ang sisikat sa ibang mga bansang kapitbahay natin, kundi sina JayR din at si Kyla. Kung sakaling magugustuhan ng mga tag-Indonesia ang kanilang mga kanta… wait and see na lang tayo, hane?

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

10 thoughts on “Sa sobrang kagipitan: Aktor, pinagkakakitaan ang anak na may dengue?!

  1. LOL!!! at least nag L to L sa loob ng bar, di tulad mo joey sarmiento……nahuli ng parak at sa loob ka lang ng kotse….

  2. Kris at Mayor Binay, hindi na nagtatago
    TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated September 03, 2010 12:00 AM

    Nakunan ng Tweetbiz na magkasama sa isang mall sa Makati City sina Kris Aquino at Mayor Junjun Binay.

    Kasama ni Kris ang kanyang anak na si Baby James.

    Narinig daw na nagtanong ang bagets sa kanyang madir kung mag-boyfriend na sila ni Mayor Binay at natawa raw si Kris.

    Nakunan ng mga tao ang eksena dahil hindi naman daw sinasaway ni Kris ang mga cellphone camera na nakatutok sa kanila.

    At dahil may mga ebidensiya na magkasama sila ni Mayor Binay, i-expect natin na lalong iingay ang mga tsismis tungkol kay Kris at sa biyudong alkalde.

    • INGGIT LANG KAYO KAY KRIS.
      IM HAPPY FOR HER, AT LAST NAKATAGPO ULIT SIYA NG MAMAHALIN. MORE POWER KRIS. I WILL SUPPORT YOU. I PRAY FOR YOU.

Leave a Reply

Your email address will not be published.