Sa sobrang hilig sa alak: John Lloyd Cruz, mukha nang haggard!

DEADMA NA LANG ngayon si John Lloyd Cruz kesehodang palagi pa ring pinapansin ang tungkol sa kanyang pag-inom ng alak. Inamin naman niya na normal lang naman sa isang lalaki ang uminom, lalo na kung may okasyon. Ipinagtataka niya kung bakit parang mortal na kasalanan ang kanyang ginawa, dahil lang sa marami ang nagpapatunay na talagang tumitikim nga siya ng alak. Ang mahalaga rito, wala naman siyang nabibitin na trabaho.

Nakapagsalita na si John Lloyd tungkol sa kanyang lovelife. Pero ang tungkol sa pag-inom niya ng alak, hindi pa rin siya tinatantanan ng kanyang mga detractors hanggang ngayon. Binabatikos na nga, na kahit napakapropesyunal niyang magtrabaho, lagi pa ring nasa sistema ni Lloydie na tumikim muna ng beer bilang pampagana. Dahil umano’y mas mahusay siyang umarte kapag mayroon siyang talab ng alkohol.

Marami siyempre ang naba-bother dahil sa sobrang hilig daw ngayon ni John Lloyd sa alak. Kahit naman hindi nito napapabayaan ang kanyang iniingatang trabaho bilang artista, nagmamarka naman daw sa hitsura nito. Lagi kasing haggard ang dating ng kanyang kaguwapuhan, kaya dapat daw ay maghinay-hinay naman ang actor.

PINATUTUNAYAN NAMAN LAGI ni Derek Ramsay kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban.

Iniwasan na niya na makapagbigay pa siya ng mga pahayag tungkol sa naging hidwaan noon ng kanyang karelasyon, at sa kanyang leading lady sa teleseryeng Magkaribal ng ABS-CBN, na siyempre pa’y ang laging nagpapakontrobersiyal na si Gretchen Barretto. Damay kasi siya sa nasabing isyu, at maiipit siya talaga sa gitna, dahil siya ang kabiruan ni Greta bago lumala ang isyu at ipinag-react ni Angelica.

Lagi ring inililigtas ni Derek ang kanilang relasyon. Bago dumating sa kanyang buhay si Angelica, napakarami talaga niyang kaibigang mga babae, na kung tutuusin nga ay mas maganda pa kesa kay Angelica, at nagseselos din naman siyempre ang magaling na young actress. Pero dumidistansiya rin naman si Derek sa ibang babae kung kinakailangan, para hindi nagseselos ang tunay niyang karelasyon. Matahimik daw magselos si Angelica, pero palaban kapag napuno na sa sitwasyon.

Hindi nagugustuhan ni Derek ang ibinibintang kay Angelica, na kayamanan lang ng pamilya nila ang isa sa mga tinitingnan ng dalaga. Hindi kumportable si Derek na pag-usapan ang tungkol sa kayamanan nila. Nagkataon lang daw pinagbigyan nila si Korina Sanchez, at naipalabas sa Rated K ang kabuuan ng kanilang magarang bahay, at magmula raw noon, kinakantiyawan na siya, na rich pala ang kanilang pamilya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

19 thoughts on “Sa sobrang hilig sa alak: John Lloyd Cruz, mukha nang haggard!

  1. buhay nila iyan bahala sila basta ako naniniwala bayaran ni ruffa datan ang mga reporters na nagkakalat nito namamatay kaSE Siya sa ingit.Dead na dead siya kay jlc pero si jlc allergic sa old age

  2. MALAS…malas…MALAS…si SHAINA kay John LLoyd at sa iba pang lalaki..grabe, maldita pala ito sa Ystilo Salon staffs…mukha lang angel pala EVIL…kaya ikaw JLC, GISING!!!

  3. hay naku, humahabol na si JLC sa itsura ni SHAME MAGDAYAO-mukhang RABBIT:laki ng bibig at mga pangil…si JLC, mukha ng matanda dahil sa MALANDI na babaeng ito-grabe ka iha!!!

  4. SHAINA ang reason why my idol is haggard looking, palaging inaaya sa kung saan-saan…sa bar, sa shopping, sa hotel…ke bata bata pa, masama ang impluwensiya sa djowa…sana naman may magsabi kay Shaina, tigilan na niya ang masamang ugaling ito-WALA SIYANG RESPETO SA SARILI…

  5. HAGGARD LOOKING SI JOHN LLOYD CRUZ-true! kasi ba naman alcoholic tapos sila pa ni RABBIT SHAINA, ayan, nakunsumi pang lalo dahil sa babaeng ito na malandi…SHAINA BAD INFLUENCE KA!!!!

  6. sana naman, itong si Shame Magdayao at John Libog Cruz wag na isama pa ang ibang artista sa kalokohan nila…please spare sarah,Bea & John Pratts…si Shame & John Libog ang may ginawang panloloko so sana wag ng involved pa ang iba…KARMA para kay SM & JLC!!!!

  7. lately, John lloyd looks so sad & tired, kasalanan ni SHAME MAGDAYAO…ayan, may karma na sa kanilang dalawa…what comes around goes around…LUST lang naman ito, not love eh…

  8. HINDI AKO NANINIWALANG ALCOHOLIC ANG 2 MAG SING IROG. PAGHIHIGANTI LANG IYAN NI ATE RUFFANG MATRONA KASI HINDI NIYA NAPIKOT SI JLC SA ALTAR.MASAYA NA SILA DEREK ANGELICA,SHAINA AT JLC HUWAG NAMAN SANANG IPAGSIKSIKAN NG 2 MATATANDANG RETOKADANG GRETA AT RUFFA MGA SARILI NILA.KUMUHA KAYO NG GURANG NA TULAD NINYO

  9. For John and Shaina, Is it true they are both into habitual bingers? ( Binge is a hard drinking spree, with one glug all the way to the ground). No doubt, heavy drinkers nga sila.

  10. khit kunin mo pa yong commercial ni popstar as a sunsilk at charmee ay wlng bibili sa yo kya lugi compny at hwag kng dikit ng dikit kay popstar ay isakng bitch . kya kyo ni pnot, nguso at mking bunganga ay mga flop na kyo.

  11. c pnot at c nguso gngmit nila c star pra lng mtkpan yong mga negative dhil utos ng nmnng star mgic. tsk tsk, tsk khit tkpannyo bho ni pnot ay gnon tlga yon c nguso ay khit idikit nyo doon sa isang ckat na singer ay flop pa rin c nguso . pti c mlking bunganga ay mhilig din sumbit doon sa isang star. kya dapt c pnot, nguso at mking bunga nga igawa ng movie. ang title mlibog, lsenggo at kulng sa pnsin. yan bgay sa knilnhg tatlo . hla bs cbn o star magic khit iangat nyo c nguso at mlking bunganga orignal labtim ay hndi aangat ng career at mgnda pltanna nyo mg discover kyo ng iba .

  12. EVERYBODY KNOWS, SAME LANG NAMAN SILA NI SHAINA,… BOTH HEAVY DRINKERS, SANA MAY MAG ADVICE SA KANILA ABOUT THIS.
    HABITUAL DRINKING CAN BE ADDICTIVED. NAKAKABAWAS NG BRAIN CELLS RESULTING TO EARLY DIMENTIA, ALCHEIMERZ DISEASE. SANA WINE NA LANG.

  13. LAOS KA NA ATE RUFFA NG AGAWIN NI GRETANG RETOKADA ANG TRONO MO SA DOS.KAYA TIGILAN MO NA SI JLC.HUWAG SIYA ANG GAWIN MONG PUNCHING BAG NG MASASAMANG TSISMIS BAKIT DI NINYO HARAPIN NI MOMMY SI GRETA AT TITO BOY.DUWAG KASI KAYO MAS POWERFUL SIYA.

  14. ANG GAGONG REPORTER NA ITO AY BAYARAN NG PAMILYA NAMIN .BASTED KASI SI ATE RUFFA DAHIL SA KATANDAAN NIYA KAYA PINIPILIT SIRAAN ANG JLC.HINDI LASINGERO SI JLC.HUWAG KAYONG MANIWALA SA MGA BAD PUBLICITY NAMING MGA GUTIEREZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.