Sa simbahan nagtago at binawian ng buhay
Kelot, Utas sa Saksak

NATAGPUAN NG mga residente ang isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki sa tabi ng simbahan sa Barangay Sta. Rita West, bayan ng Agoo, La Union kamakailan.

Ayon kay C/Insp. Artemio Infante, hepe ng Agoo Municipal Police, sinabi nito na posibleng nasawi dahil sa pana-naksak ang nasabing biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 19 hanggang 20.

Sinabi ni Infante na base sa mga bakas ng dugo ay maaari umanong tinangkang takasan ng biktima ang hindi pa kilalang salarin na sumaksak sa kanya mula sa dalampasigan at nagtungo sa chapel upang magtago ngunit binawian rin ito ng buhay.

Wala umanong nakakakilalang naninirahan doon sa natagpuang bangkay.

Samantala, isang cell phone naman ang narekober ng mga awtoridad at patuloy nila itong iniimbestigahan para sa posibleng pagkakilanlan ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.