Sa satellite launch ng South Korea PCG, Nagtaas ng Alerto

KUMILOS NA ang Philippine Coast Guard (PCG) upang paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kagawaran ng gob-yerno at local government units hinggil sa nakatakdang satellite launch ng bansang South Korea.

Ayon sa PCG, inalerto na nila ang kanilang mga district headquarters sa Luzon hanggang Visayas upang bantayan ang mga baybaying-dagat upang walang mangyaring aberya sa araw na paliparin ang nasabing rocket na may lulang satellite.

Sinasabing magbabantay ang kanilang BRP Pampanga sa karagatan habang ang kanilang islander plane naman ang magmamasid sa papawirin.

Mahigpit na paalala naman ng PCG sa mga mangi-ngisda na huwag munang pumalaot sa karagatan at sundin ang kanilang ‘no sail’ at ‘no fishing zone’ partikular na sa karagatang sakop ng Luzon at Eastern Visayas sa susunod na dalawang linggo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.