Sa Sarah Geronimo-Cristine Reyes Issue Anne Curtis, ayaw Makisawsaw

AYAW MAKISAWSAW NI Anne Curtis sa nagaganap na ‘alitan’ sa pagitan ng mga kapatid niya sa VAA (Viva Artist Agency) na sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Kaya nga ‘no comment’ lang siya nang tinanong siya tungkol sa nasabing isyu sa launch ng kanyang 2011 calendar para sa isang alak.

Ang pinakikialaman lang daw niya eh, ang career ng kanyang kapatid na si Jasmine na certified Kapatid na sa TV5.

Anne further elaborated na narito lang sa bansa si Jasmine for a vacation until February 2011 at babalik na ito Australia para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“Ang wish ko naman kasi for her eh, ang makatapos muna sa university. After niyang mag-18, whatever she wants to pursue eh, susuportahan ko pa rin. In the meantime na hindi pa rin naman siya decided sa talagang gusto niya, she can do the movies or TV when she’s here. Or she can take a break for a year pero babalikan pa rin niya ang studies niya. Gusto ko siyang makatapos.”

Sabi rin ni Anne when asked, hindi naman daw siya ang nagpapaaral sa kanyang kapatid, kundi ang Dad pa rin nila. Pero as an Ate nga naman, she’s after her welfare pa rin. Kung magtutuluy-tuloy si Jasmine sa showbiz, gusto rin naman daw niya, pero priority lang muna talaga ang pag-aaral.

Tuwang-tuwa naman ang pamunuan ng alak na iniendorso ni Anne sa inaabangang calendar for 2011 na may limang iba’t ibang sexy pictorial na kinunan ni Marc Nicdao. Sabi rin ni Anne, for each lay-out eh, inabot lang sila ng twenty minutes sa two-day shoot, na ang tema eh, ang pagbibigay-halaga sa mga bida sa ating buhay na nasa maliit man o malaki at mataas na propesyon o trabaho eh, dapat pa rin nating ipagmalaki!

Hindi rin naman masabi ni Anne kung kanino kina Sarah at Cristine siya talagang mas close.

MALIWANAG ANG SINABI ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang ginanap na Christmas get-together with the press na hindi niya kinakampihan ang itinuturing nilang ‘bunsong’ kapatid ni Judy Ann Santos na si Sarah Geronimo sa sigalot nito with Cristine Reyes.

Pero ‘malaman’ ang tinuran ni Shawie sa mga tanong na inihain sa kanya hinggil sa nasabing insidente. Nilinaw rin nito na hindi nag-text, tumawag o nagsumbong sa kanya si Sarah. Si Rayver (Cruz) lang daw ang nakausap niya at kulang na nga lang daw sabihin niya rito na siya naman ang pinagmulan ng lahat.

Gusto lang din naman daw ni Shawie na proteksyunan ang mga babaeng naging biktima sa nasabing pangyayari.

Kaya lang, hindi nito nagustuhan ang mga nakarating sa kanyang balitang pati siya, being that close to Sarah eh, madawit pa sa mga salita o komento na hindi naikaila sa kanya.

Kaya ang sabi ni Shawie, ngayon, alam at kilala na niya ang character ng mga taong walang karapatang bumastos sa kanya. Sa tagal na nga raw ng pamamalagi niya in the business, wala pang bumastos sa kanya nang ganito.

Hindi naman daw niya iko-condone kung si Sarah ang may mali o may ginawang hindi tama. Dahil kilala raw ni Shawie ito base na rin sa pakikipag-usap niya noon sa mga magulang ng dalaga.

Nagtuloy pa ang usapan namin sa siyang-siyang Megastar, at ang usapan namin eh, tungkol sa breeding!

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleRobin Padilla at Mariel Rodriguez, plano nang magkaanak
Next articleBea Alonzo at Zanjoe Marudo, kumpirmadong nagde-date na!

No posts to display