Sa Sabah standoff
Civil Society Group, Naghain na ng Reklamo sa UN

PORMAL NANG nagreklamo sa United Nations (UN) ang ilang kasapi ng civil society group laban sa Malaysia dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa mga Pinoy na nakatira sa Sabah, Malaysia.

Napag-alaman na ang naturang “urgent appeal” ay inihain sa tanggapan ni United Nations High Commissioner for Human Rights Navanethem Pillay at UN High Commissioner for Refugees Antonio Guterre sa Geneva, Switzerland.

Kabilang sa mga lumagda sa “urgent appeal” ay ang international lawyer na si Atty. Harry Roque, Sister Mary John Mananzan ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines, ang whistle blower na si Rodolfo “Jun” Lozada, ang political adviser ng Sultanato ng Sulu na si Pastor “Boy” Saycon at ang Concerned Citizens Movement.

Sa naturang apela, inaakusahan nila ang pamahalaan ng Malaysia ng paglabag sa anim na articles ng UN Universal Declaration of Human Rights kasama na ang rights to life, liberty at fair trial; rights against discrimination; rights against arbitrary arrest, detention or exile.

Samantala, hiling ng mga ito na mamagitan na ang UN para matigil na ang pang-aabuso sa mga Pinoy na nakatira sa Sabah.

Hiniling din nila na siyasatin ng UN ang human rights violation at ang gob-yerno ng Malaysia kaugnay ng kanilang maaaring maging pananagutan sa mga Pilipino na biktima ng pang-abuso.

Samantala, dumistansya naman Palasyo sa planong ito civil society groups.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi na muna sila magkokomento sa plano ng ilang grupo hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Patuloy aniyang ina-alam ng kagawaran mula sa dalawang testigo ang mga impormasyon hinggil sa umano’y pang-aabuso ng Malaysian authorities sa mga Pinoy.

Samantala, tikom din ang Malacañang sa posibleng epekto ng plano ng civil society groups sa peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.