Sa relasyon nila ni Piolo Pacual KC Concepcion, gulung-gulo ang isip?!

MUKHANG NASA SPOTLIGHT na naman ang relasyon nina KC Concepcion at Piolo Pascual after the actress recently left for Europe.

Makahulugan ang kanyang mga binitiwang pahayag during her interview with The Buzz sa NAIA. “Kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko. Sa dinami-rami ng nangyari at nangyayari siguro kailangan ko lang mag-isip talaga para lang mahanap ko iyong sarili ko ulit.”

Dagdag pa niya, “Kailangan ko lang talaga itong time na ito para makapag-isip ako at maklaro lang ang utak ko, para lang bumalik ako na buo pa rin ako.”

‘Di tuloy maiiwasan na maghinala ang publiko na may totoong kinakaharap ngayong malaking problema ang showbiz couple na humantong sa diumano’y tuluyan nilang paghihiwalay. Kung noon ay pinabulaanan ni Piolo ang mga haka-hakang nagkakalabuan sila ni KC na nilinaw rin na sila pa ng aktor, ano kaya ang masasabi nila tungkol sa maugong na isyung ito?

Nang tanungin siya if Piolo knew she is leaving, KC shortly replied, “Hindi ko alam.” She refused to comment if Piolo is the reason why she is going to Europe. “’Di ko alam, ‘di ko alam basta kailangan ko ng time [para] mag-isip lang talaga. Hindi rin daw niya alam if they have separated.

KC will be meeting her childhood friends in Europe. “Siyempre, comfort zone ko ang Europe. Tamang-tama na nandoon din ‘yung mga childhood friends ko. Maganda rin na makasama ko iyong mga matagal ko nang kaibigan at makapunta sa lugar na makakapagpasaya sa akin,” she said.

She will be attending her friend’s wedding at gusto ring magside-trip sa Paris ng kanyang mga kaibigan because they want to tour the place na hindi masyadong alam ng mga turista. KC knows Paris like the palm of her hand dahil matagal siyang namalagi roon while she was studying.

Let’s hope na sa pagbabalik ni KC sa bansa ay nakapagpahinga at nakapag-isip na siya nang mabuti. We wish her well.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articlePiolo Pascual, natatawa lang sa pag-alis ni KC Concepcion?!
Next articleMost Wanted

No posts to display