Sa rekomendasyon ng hostage probe body: DILG USEC Puno, nagkibit-balikat lang!

WALANG SAMA NG loob si Interior Undersecretary Rico Puno sa pagkakabilang ng kanyang pangalan sa listahan ng mga may kinalaman at handang kasuhan sa naganap na hostage tragedy noong Agosto 23.
“Wala namang sama ng loob. Ganu’n talaga,” pahayag ni Puno sa mga reporters bago pa man sumalang sa Senado hinggil sa imbestigayon sa iligal na Jueteng kahapon.

Si Puno, isa sa mga malalapit na kaibigan ng Pangulong Noynoy Aquino ang pinangalanan ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na kasama sa rekomendasyong humarap sa korte, dahil sa naganap na insidente ng pangho-hostage noon sa Maynila.
“E, ‘yun ‘yung tingin nila, e. ‘Yun ang tingin nu’ng nag-iimbestiga. Ako, I just have to accept my fate on the results of their investigation,” ani pa ni Puno.

Sa tanong kung handa ba itong bumaba sa puwesto, “I already said that even when I was being investigated… If there’s a need for me to step down, I will step down,” ayon sa naging sagot ni Puno.

Maaari pang magbago ang resulta ng rekomendasyon ng IIRC na kasalukuyan pang sinusuri at pinag-aaralan ng kampong binubuo nina Executive Secretary Pacquito “Jojo” Ochoa at Ed de Mesa, chief legal counsel ni P-Noy.

“I don’t know, alam mo very fair naman si ES at chief legal counsel, so it’s up to them.” Sagot naman ni Puno sa katanungan na kung may pag-asa bang maalis ang pangalan nito sa listahan ng mga kakasuhan.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Sa rekomendasyon ng hostage probe body: DILG USEC Puno, nagkibit-balikat lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.