Sa problema nila ni Sunshine Cruz
Cesar Montano, nalulungkot para sa mga apektadong anak

MAS NAKATUON na lang daw at mas binibigyang-atensiyon ni Cesar Montano ang kanyang trabaho, kaysa pag-usapan pa ang gusot na namamagitan sa kanya at sa kanyang asawang si Sunshine Cruz. Deadma na lang daw ito sa patuloy na bumabatikos sa kanya.

Pakiusap nga nito sa mga taong patuloy na nanghihimasok sa problemang kinakaharap nilang mag-asawa dahil masyado na raw siyang nasasaktan ‘di para sa kanyang sarili kung hindi sa kanyang mga anak na babae na alam niyang naapektuhan na sa mga tsismis na lumalabas sa kanilang dalawa ni Sunshine.

Alam daw ni Cesar na nasasaktan na ang kanyang mga anak sa nangyayari sa kanilang mag-asawa at ito raw ang labis na ikinalulungkot ng mahusay na actor/singer/host/director.

Kaya naman daw ayaw nang pag-usapan pa ni Cesar ang tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Sunshine, para ‘di na lumaki pa. Aminado naman daw ito na habang nagpapalitan sila ng mga salita sa bawat interview nila tungkol sa tunay na estado nila bilang mag-asawa, mas gugulo lang. Kaya naman daw mas pinili na lang nitong manahimik na lang at nangangarap na sana raw ay matapos na kung ano man ang problemang kinakaharap nilang mag-asawa.

 

MORE THAN four weeks na ang naging extension ng hit teleserye ng ABS-CBN na Dugong Buhay na pinagbibidahan ng mahusay na batang actor na si Arjo Atayde at Ejay Falcon, kaya naman labis-labis ang kasiyahan ni Arjo.

Hindi nga raw nito inaakalang magiging matagumpay at big hit ang Dugong Buhay kung saan consistent number 1 ito sa TFC at kinabog ang ibang shows ng Kapamilya Network.

Kaya naman daw sobra-sobrang pasasalamat daw ang gustong iparating ni Arjo sampu ng kanyang mga kasamahan sa said show sa loyal viewers. Nawa’y patuloy raw ng mga itong suportahan ang kanilang show.

Pangarap nga raw na gusto nitong matupad ang pagkakaroon naman ng primetime soap after Dugong Buhay para naman daw masubukan niyang magkaroon ng regular primetime soap.

 

VERY LUCKY ang isa sa members ng XLR8 na si Arkin Del Rosario dahil bukod sa pelikulang ginagawa nito sa Viva Films kabituin sina Andi Eigenmann, Gabby Concepcion at Alice Dixson ay may tatlo itong TV shows.

Isa ito sa cast ng Wapak, Walang Tulugan With The Master Showman bilang isa sa co-host ni German Moreno, at Pyra, kung saan ginagampanan nito ang role ni Mario.

Bukod sa pelikula at new TV show, magkakaroon din ng mall show si Arkin na magaganap sa September 21 sa Isetann Cinema Complex na hatid ng Talents Manila at Isetann.

 

WALA NA talagang makakapigil pa sa unti-unting pagsikat ng grupong tinaguriang Twitter Cutties, ang UPGRADE na binubuo nina Kcee Martinez, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Ron Galang, Raymond Tay at Mark Baracael.
Dahil bukod sa sunud-sunod na awards na nakuha ng mga ito at dami ng mall shows, may bago na naman silang iniendorsong produko. Nadagdagan na naman nga ang mga nauna nilang endorsement from Unisilver Time, Royqueen Electronics at Rescuederm, kasama na rin sila sa mag-eendorso ng Dental First. Kaya naman daw very happy ang grupo na maging part ng family ng Dental First.
Bukod pa sa nakatakda na rin nilang i-record ang kanilang kauna-unahang kanta na composed ng mahusay na singer/composer na si Myrus Apacible na maririnig na ng kanilang mga tagahanga bago matapos ang taon.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Sa problema nila ni Sunshine Cruz
Cesar Montano, nalulungkot para sa mga apektadong anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.