Sa problema ng aktres kay Cedric Lee
Vina Morales, humingi na ng tulong kay Duterte sa pamamagitan ni Robin Padilla

Vina Morales

Vina Morales

From the looks of it ay mukhang no-nonsense ang estilo ng pamamahala na gustong pairalin ni President-elect Rody Duterte.

Sa mundo ng showbiz, there’s every reason para maalarma ang ilang mga personalidad na sangkot sa droga. After all, mas paiigtingin pa ng Duterte administrasyon ang kampanya laban dito, and for that, kahit hindi siya ang aming ibinoto nitong nagdaang eleksiyon ay saludo kami sa kanya.

Ang latest, humingi na ng tulong si Vina Morales sa pamamagitan ng kanyang dating nobyong si Robin Padilla tungkol sa anak nito kay Cedric Lee. Vina Morales sees a beacon of hope in Digong na makatutulong sa kanyang problema kay Cedric.

Ngayon natin malalaman kung talaga nga bang untouchable si Cedric, let this case yield a positive result in favor of Vina. Nagkakaintindihan ang aktres at ang paupong Pangulo as they speak the same dialect, tiyak ding sakay nila ang isa’t isa kung pantay-pantay na karapatan ng bawat tao ang pag-uusapan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.