Sa planong pagdedemanda ng pamilya Ranillo: Lihim ni Krista, lalong sasambulat! – Cristy Fermin

WALA NANG KAILANGAN pang sabihing diretsong termino si Jinkee Pacquiao para lang maging malinaw sa publiko kung totoo bang may relasyong namamagitan ngayon kay Krista Ranillo at sa kanyang asawang Pambansang Kamao.

Nasa talampakan na lang ang IQ ng hindi makasasambot ng gusto niyang sabihin kamakailan tungkol kay Krista. Patagilid man ang kanyang mga pahayag ay nagsusumigaw naman ‘yun, kasing liwanag ng sikat ng araw sa tanghaling-tapat.

Sa pagsasabi pa lang ng misis ni Manny Pacquiao na bata pa si Krista at meron pang makikilalang lalaking hindi pamilyado ay bigay na bigay nang pinariringgan niya ang dalaga na huwag makialam at pumasok sa isang sitwasyong masikip.

Sinabi rin ni Jinkee na sana’y huwag maging masaya ang ibang tao sa pagkasira ng kanilang pamilya. Sana’y respetuhin ng iba ang pagiging maayos nila. Na ang tinutukoy ay ang mga taong umeeksena nang alanganin sa kanilang relasyon ni Pacman.

At may tanong pa si Jinkee: Magiging masaya raw kaya si Krista kung makiki-join sa isang tao na may family na? Madiin ang kanyang mga salita, tumatalab, walang pakiramdam na lang ang hindi tatablan sa mga naging komento ni Jinkee Pacquiao.

MAGANDA SA BIGLANG-TINGIN ang naisip ng pamilya Ranillo na kasuhan ang mga taong nagpasimula ng kuwento tungkol sa pagkakamabutihan nina Pacman at Krista. Sa palagay siguro nila’y magiging positibong paraan ‘yun para matigil ang mga komentong hindi kagandahan para kay Krista.

Pero sa biglang-tingin lang ‘yun. Sa matagalang pag-aanalisa ay hindi magiging sapat ang pagkakaso sa mga nagsusulat ng balita. Mas ididiin lang nila ang senaryo.

Kung tutuusin, tagatanggap lang naman ng kuwento ang mga manunulat, mga mensahero lang ng kaganapan. Pero ang ugat pa rin ng istorya ay ang mismong sirkulong iniikutan nina Pacman at Krista.

‘Yun ang kailangan nilang ugatin, ‘yun ang kailangan nilang tutukan, ang maging lihim lang ang lihim at hindi lumalabas. Ugatin dapat ng mga Ranillo kung paano ba ipinanganak ang kuwentong ito. Kung sino ang tunay na nagpasimula, kung sino ang parang proud na proud pang nagbubuyangyang ng kontrobersiyal na relasyon.

Kung ‘yun ang kanilang sesentruhan, hindi na nila kailangan pang magpagod sa pagsasampa ng kaso. Hindi na rin sila gagastos, dahil ang matutuklasan nila ay nandu’n lang pala mismo sa mundong iniikutan nila.

Pati ang premyadong aktres na si Gina Alajar ay pinagbabantaang idedemanda ng pamilya ni Krista Ranillo. Ang personal na Facebook account ng aktres ang kanilang pinagbubuntunan ng sisi at dahilan kung bakit pinagpistahan nang husto ang isyu tungkol kina Krista at Pacman.

Hindi matitigatig si Gina sa mga ganu’ng pagbabanta. Ngayon pa lang ay naninindigan na ang aktres-direktor na tatayuan niya ang anumang mga komentong nakasaad sa kanyang Facebook, wala siyang itatatwa at tatalikuran.

At kung itutuloy ng mga Ranillo ang plano nilang pagkakaso sa mga sinasabi nilang nagpasimula ng kuwento tungkol kina Krista at Manny, sila pa ang mas madidiin. Maraming kuwentong dapat ay namamahinga na ngayon ang muling mabubuksan.

At sa muling pagbubukas ng mga baul ng lihim, may senaryong mas lilinaw, may pangyayaring mas magpapatingkad sa isyung nag-uugnay ngayon kina Pacman at Krista. ‘Yun ang kaganapang mas makakukumbinsi sa publiko kung ano ang dapat nilang paniwalaan.

Sabi nga ng matatanda, huwag nating ibato ang sisi sa ibang tao, manalamin na lang tayo!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

31 thoughts on “Sa planong pagdedemanda ng pamilya Ranillo: Lihim ni Krista, lalong sasambulat! – Cristy Fermin

  1. adik yang si wiili.
    sa sex, drugs, fame, power, girls

    _____________
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    _____________

  2. sa mga taong walang magawa sa buhay,MIND UR OWN FUCKING BUSINESS,,,,mga pakialamera,parang may magagawa kayo sa krista,jinkee,manny issue.

  3. piolo tokneneng ni cristy , piolo kabit ni cristy . piolo iniwan ang anak dahil utos ni k c . piolo si ryan ang type at hindi si judy anne

  4. buti s palabas dati ni krista s pieta wlang issue s kanila ni ryan agoncillo or sadya talagang mahilig syang lumandi s my asawa at anak n …gusto nyang maging homewrecker….. ung dting issue s kanila ni michael de mesa khit sbhin p nyang sweet lng sya s mga katrabaho nya mag karoon nman sya ng limitasyon s pagiging SWIT DAW NYA…. lalo n kung lalake p ito n my asawa at anak!!!!!

  5. Kaya Hindi nag resort Cristy retoke kahit me pera kasi wala siyang insecurity at alam niyang kaloob ng Diyos Ang itsura niya at kontento na siya. Tiago sino ka rin ba? Alam ko na, ikaw Ang mahilig sa puwet at salitang himod. Nahahalata ka tuloy, kasi walang lalake Ang magsasalitang gaya mo.

  6. hay naku pangit ka talaga. meron ka pang rah rah boy sino ba yon jameyap isa pa ring gago yon. magsama kayong mga pangit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  7. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

    • Grabe!!! Ibebenta iyan sa me REcto! Naku…talamak na talaga gn nakawan. Ibebenta iyan s amga nangangailangan gn paples..mga graduate na hindi naman graduate na gusto ng papeles at diploma kahit magbayad ng kahit magkano. Grabe..pati LBC damay na..

  8. What? Excuse me poh, nag hit lahat yon in fact anfg Dyesebel nakapagtala ng pinakataas na rating than Marimaer, then ABHST ay kinoconsider nyo na di gaanong naghit kasi di sya kasing taas ng rating sa mga nauna nilang teleserye pero ang rating ng ABSHT ay pang number 1 nasa ABS. Inggit lang kayo sa tambalang Dongyan..lalo na kay Marian.

  9. Dapat isama din sa demanda si Cristy Fermin kasi isa sya sa nagpapakalat ng kwento.. Halos araw araw nya pinakikinabangan ang kwentong Manny/Krista.

    Cristy, yari ka sa Pamilya Ranillo!

    • cristy luma na yang style mong patalinghaga na paulit ulit para lang naiiba ka at masabing magaling ka sa pag gamit ng patalinghaga. Inglesin mo dahil karamihan sa gumagamit ng internet ay nakakaintindi ng Ingles or plain tagalog.;

      • CORRECT KA DYAN tarkan my luv.dinadaan lang ni Cristy sa patalinhaga lahat kc bobo yan sa English.Pilit nyang itinatago ang katotohanan.May lihim na pagnanasa kay Manny yan.Gusto nyang makiamot rin sa kita. PANGIT,PANGIT, UBOD NG PANGIT SI CRISTy.MAY LASON ANG DILA PAREHO NI JOBERT BUKBOK SUCALDITO.

    • wala na kayong magagawa dyan; nakalimutan nyo na ba, ang pagsusulat ng mga tsismis ang kanilang bread and butter? kung hindi sila magsusulat ng mga nakakaintrigang issues, walang bibili ng kanilang tabloid.

  10. bakit wala pa yung mga pictures dito nina pacman at krista sa baguio? kasama din dun ang tatay nyang si mat,sa lunch. ganda ng ngiti dun ni mat huh!

  11. sige go for it.so that the people will know that truth that krista really was having an affair with manny kasi pag mag dedemanda kayo kay Gina then she will lash out and all the bad stuff all the truth will come out soo goo ahead RANILLOs go go go ….

  12. basta masasabi ko lang pakialamera yang si Gina Alajar! panindigan nya sinabi nya kase chismosa sya eh. sino ba sya para magbigay ng advise ke Jinky?

    eh kung sya nga pinakawalan nya asawa nyang kalbo dahil kay Krista ngayon magaadvise sya kay jinky na not worth it si Krista?!

    Haller!

    Gina tigilan mo na yang pananawsaw mo noh. majonda ka na at laos!

  13. deny to death pa’t demandahan. lalabas din ang baho ng Ranillo katulad ng pag dideny ni Katrina na wala daw silang relasyon ni Hayden. ayun naglabasan tuloy ang ebidensya’t baho ni katrina. tsktsk…

  14. Maraming utang si Mat Ranillo ke Michael de Mesa. Noong magka affair daw ang krista at michael, ginatasan gn husto ni Mat si Michael kaya naghirap ang kawawang Michael.

    Hindi mana mayaman ng husto, laman tiyan din ng walang trabahong si Mat at Krista ang bulsa ni Michael de Mesa.

  15. naku krista kung totoo man yang issue niyo ni manny tatawagin na kitang fokfok dahil kumakabit ka sa mga married men haha

  16. Kung pera lang ang hanap ni krista, bakit pinatulan niya si Michael De Mesa na wala namang pera. Totoo ba ang paratang o gawa gawa lang ni Gina Alajar na umikot nang 360 degrees at tinawagan ang lahat nang mga reporters and writers na huwag isusulat ang kanyang sinabi tungkol kay Krista at kanyang ex?

Leave a Reply

Your email address will not be published.