Sa pinaglibingan pa ni Michael Jackson Bong Revilla at Lani Mercado, magpapakasal ulit!

NAALIW NAMAN AKO kina Sen. Bong Revilla at siyempre sa Congresswoman-elect ng Bacoor na si Lani Mercado, dahil ngayon pa lang ay may balak na sila sa kanilang silver wedding anniversary sa susunod na taon.

Ang plano nila, magkakaroon sila ng renewal of vows sa unang pinagkasalan nila sa Amerika.

Ang lugar na ‘yun ay sa isang chapel sa Glendale Forrest Lawn sa Glendale, California, kung saan doon na pala inilibing si Michael Jackson.

Kaya gustong tingnan ni Lani ang lugar na ‘yun kung nandu’n pa ang simbahang pinagkasalan nila dahil kahit mortuary na raw ‘yun ngayon, okay lang sa kanila na doon magpakasal.

“I will have to check if the church still exists. Gusto kong makita ng mga anak ko kung saan kami unang ikinasal,” sey ni Lani habang napapangiti lang si Sen. Bong.

“Talagang gusto niyang panindigan na pakasalan ko siya ng sampung beses. Ha-ha-ha!” Hirit naman ni Sen. Bong.

Kung matutuloy ‘yun, ang cute nu’n, ha?! Kasi kuwento pa ni Lani, nalaman niyang nandu’n pa raw ang bridal car na ginamit nila dahil na-preserve pa raw ng taong nirentahan nila ng kotseng ‘yun.

Bale sa May 28, 2011 ang silver wedding anniversary nina Bong at Lani at sana matuloy ‘yung binabalak nila.

Pero sabi naman ni Lani, uunahin muna nila ang kanilang tungkulin sa bayan, lalo na si Lani na pinaghahandaan na ngayon ang opisina niya sa Kongreso at malapit na silang magsimula.

MALAPIT NA ANG transition ng gobyerno kaya nu’ng nakatsikahan namin ang MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, tinanong namin kung ano ang balak nito kung sakaling palitan na siya.

Magbabakasyon daw muna siya at marami pa naman daw siyang puwedeng pagkaabalahan. Pero biniro kaming baka puwede siyang mag-artista.

Kung papalitan na nga si Chairman Laguardia bilang MTRCB Chairman, marami naman siyang iiwang projects.

Nagkaroon sila ng MTRCB Awards for TV, at ngayon naman ay pinagkakaabalahan niya ang MTRCB Awards for Film.

Magkakaroon ng awards night sa June 15 na gaganapin sa Crossroad 77 sa Mother Ignacia Ave., Quezon City.

Konti lang daw ang mga category na bibigyan nila ng awards, pero siyempre nandiyan pa rin ang mga major awards gaya ng Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress at Best Director.

Pero tatlo ang Best Pictures nila. Meron daw Best Film for Drama, Comedy at Action-Fantasy.

Sana raw, ipagpatuloy ito ng kung sino mang susunod na uupong MTRCB Chairman.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Sa pinaglibingan pa ni Michael Jackson Bong Revilla at Lani Mercado, magpapakasal ulit!

  1. d ba kayo nagbabasa? they were first married sa church na yon so bkit OA mga reaksyon ng iba dyan? ang problema lang naman is well-known sa pagiging babaero si Bong so kahit ilang beses silang ikasal parang d na sya magbabago.

  2. Anong pagkakaiba kung makasal ‘tong dalawa sa loob ng chapel ng Manila Memorial Park? Sa La Loma? Maganda din jan, tipid pa sa pera. Dahil mas gusto nilang libingan ng mga imported? And to think about it napaka MORBID super! Save your money, save the kids on the streets selling sampaguitas, mga tingi na cigarillos/kendi–bigyan nyo sila ng magandang environment and education. Hindi kung saan saan gagastos ng pera. Sus! di pa nakaupo–nag-iisip na silang saan gagastusin ang pinakaunang suweldo nila sa gobyerno~ grrrrrr

  3. over acting tong mag asawang bobo na to. senador ang alam na otso-otso panu yun lang ginagawa nya, so proud sa ginawa nyang bill daw na convert ang kalye from local to national, mag na nine years na senador yun lang nagawa mo. itong asawa anu naman ang gagawin sa congreso hay naku banana rep

  4. WHY DON’T YOU JUST USE THE MONEY TO HELP THE POOR.KAHIT SA ROME PA KAYO MAGPAKASAL WITH THE BLESSINGS OF THE POPE.HINDI KAYO MAKAKAPASOK SA LANGIT SA MGA PAGNANAKAW NINYO AT PANG AABUSO SA POWER.MAY MGA TAO TALAGANG WALANG TAKOT SA DIYOS AT MAS MAHALAGA SA KANILA ANG PERA.IKAW DIN LOLIT.SANA MAGBAGO KA NA.ALANG ALANG SA APO MO.

  5. Sa dami ng perang makukuha nila sa gobyerno dahil halos lahat ng kamag anak nila ay me posisyon sa kurakot ay BALE WALA ANG GASTOS!!!!!

    KAHIT ISANG DAANG KASALAN PA!!! Kakayanin ni Juan de la Cruz!!!

  6. Susme! of all the places dun pa sila magpapakasal ulit? Lolilt, sabihin mo nga sa dalawang yan na bakit hindi na lang sila magpakasal sa ibabaw ng nitso ni MJ at magpakuha sila ng maraming litrato na nakahiga sila sa ibabaw ng nitso ni MJ. Sigurado akong lalo silang sisikat niyan. :)

  7. Kahit ilan beses pa kayo magpakasal, wala nang magbabago sa pagiging babaero ni Bong. And it goes on and on and one to the family. Tsk tsk…

Leave a Reply

Your email address will not be published.