Sa pinagdaraanang bagong pagsubok
Zsa Zsa Padilla, pinatatag ng dasal

NAKALULUNGKOT ‘YUNG balitang nakarating sa atin tungkol sa pagpapa-check-up ni Zsa Zsa Padilla sa Amerika.

Kaya pala nu’ng nakaka-text ko si Dra. Vicki Belo, sinabi niyang hindi ganu’n kaganda ang resulta, pero mabuting si Zsa Zsa na lang daw ang magsalita. Ayaw niyang manggaling sa kanya.

Nu’ng Sabado naman sa Startalk, sinubukan naming kontakin si Zsa Zsa pero hindi na ito sumasagot. Madaling-araw na kasi doon nu’ng mga oras na ‘yun.

Kinabukasan, lumabas na rin na nasa stage one Kidney cancer na raw si Zsa Zsa, pero magagamot pa raw ito kapag matanggal lang ang tumubong polyp sa may kidney niya.

Very positive naman si Zsa Zsa na malagpasan niya ito, kaya ini-schedule na agad ang operasyon.

Alam kong sa August 28 na ang operation at pagkatapos nu’n ay dadalhin yata siya sa Germany para magpa-stem cell na rin.

‘Yun na nga ang pinag-usapan sa birthday party ni Mother Lily nu’ng Linggo ng gabi. Dumating pa du’n si Lorna Tolentino na ikinuwento naman niyang nakaka-text niya ito nu’ng araw na ‘yun.

Nasa farm nga raw niya ang Mommy ni Zsa Zsa nu’ng araw na ‘yun kasama ang Mommy niya at ang Daddy ni Amy Perez.

Magkakasama raw sila roon sa farm niya at pinag-usapan nila itong pinagdaraanan ni Zsa Zsa.

Naniniwala naman si Lorna na malalagpasan ito ng pinsan niya, basta maoperahan lang para tanggalin ito.

Hindi naman daw dadaan pa si Zsa Zsa sa chemo o radiation dahil stage one pa lang naman ito.

Sabi nga ni Lorna, ganu’n daw talaga kapag galing ka sa pag-alaga ng isang may sakit, parang nag-deteriorate na rin ang kalusugan mo.

Ganu’n daw ang nangyari sa kanya nu’ng namatay si Rudy, may findings daw sa brain na niya na puwede siyang mag-suffer sa aneurism pero mabuti at nawala raw ‘yun.

Naniniwala si Lorna na malaki ang nagagawa ng dasal. Nag-Holy Land nga sila pagkatapos ng libing ni Rudy, at ‘yun daw talaga ang ipinagdarasal ni Raphael at nawala raw ang sakit niyang ‘yun.

Kaya sana tuloy lang daw ang pagdarasal na malagpasan ito ni Zsa Zsa.

Totoo naman talaga ‘yan. Dasal lang talaga ang pinakamabisa, kaya patuloy lang tayo sa pagdarasal.

Nakikita naman kay Zsa Zsa na matibay ang pana-nalig niya sa dasal kaya cool lang ito sa mga interview sa kanya sa Amerika.

 

MAAARING HINDI maka-kasama nga si Zsa Zsa sa premiere night ng I Do Bidoo Bidoo na magsu-showing na sa August 29.

Nandiyan pa rin naman ang suporta ng Unitel at Studio 5 kay Zsa Zsa kaya naiintindihan nila ang kalagayan nito.

Malaki ang kumpiyansa ng mga producers nitong I Do Bidoo Bidoo na tatangkilikin itong pelikula nila dahil sa familiar sa lahat ang mga kanta ng APO Hiking Society na ginamit sa pelikulang ito.

Sana nga tanggapin ito ng mga manonood kasi parang hindi pa yata sila handa sa mga Pinoy na musical film.

Malay natin baka mataypan nila ito dahil hit na hit naman ang mga APO songs.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.