Sa panliligaw ng ex-bf kay KC Concepcion
LJ Reyes, natutuwa raw para kay Paulo Avelino

LJ-ReyesMARAMI ANG naawa kay LJ Reyes sa interview sa kanya ni Ricky Lo last Saturday, sa dahilang gusto lang daw niyang protektahan ang privacy ng kanyang anak kay Paulo Avelino.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang reporter at TV crew ang ginawang pagdadabog ni LJ sa dressing room ng Sunday All Stars kaya hindi naiwasan na banatan siya ng isa sa mga reporter na feeling ay nabastos sa ginawang pagdadabog ng actress.

Puwede nga namang sabihin ni LJ sa mga reporter na huwag nang pag-usapan kung anuman ‘yung ayaw niyang pag-usapan at hindi ‘yung pagdadabugan ang mga ito.

Mauunawaan mo rin naman ang pagiging emotional ng actress dahil wala pang isang taon ang kanilang paghihiwalay ni Paulo. At nangarap din ito na magkaroon ng masaya at buong pamilya.

Kami rin sa tuwing makauusap namin si LJ ay laging umiiwas ito sa pagsagot tungkol sa kanila ni Paulo at minsan pa nga ay pinagtatanggol pa niya ang actor. Kaya hindi nakapagtataka na masakit pa rin sa kanya ang nangyaring pagkalas sa kanya ng ama ng kanyang anak.

Hindi naman ikinagagalit ni LJ ang naglabasang pinopormahan ng ama ng kanyang anak ang dalaga ni Megastar na si KC Concepcion.

Natutuwa nga raw siya sa ginagawang panliligaw ni Paulo kay KC at wala raw siyang balak na humanap na rin ng panibagong mamamahalin.

Paulo-Avelino-LJ-Reyes

ISA RIN pala sa muntik nang maging biktima sa loob ng taxi si Liz Alindongan na ma-rape at mapagnakawan.

Gusto lang i-share ng former sexy star na si Liz ang kanyang hindi na makalilimutang experience sa kamay ng taxi driver na muntik na siyang mabiktima.

Nangyari raw ang insidente last October 30 nang sumakay siya ng taxi at magpahatid sa kanyang paroroonan.

Dahil sa mga nababalitan niyang modus ng mga taxi driver na kadalasang nagiging biktima ay babae na pasahero ay naging alerto na si Ms. Alindongan nang sumakay mag-isa ng taxi.

Habang tumatakbo raw ang taxi, napansin niya na panakaw siyang tinitingnan ng driver sa mirror at halos walong beses daw niya itong napansin.

Nagtaka siya nang biglang dumaan sa isang iskinita raw ang taxi driver kaya nagtanong siya at sinabi raw na ‘yun daw ang shortcut at para makaiwas sa traffic.

Napansin daw niya na gumagalaw ang balikat ng taxi driver na parang may ginagawa at ilang sandali lang ay nakaamoy na raw diumano siya ng hindi maganda na siyang naging dahilan nang kanyang paninigas ng katawan at kamay.

Dito na raw siya nagdesisyon na biglang buksan ang pinto ng taxi at sabay talon na naging sanhi ng pagkasugat daw niya sa ulo at iba pang parte ng katawan dahil sa pagtalon sa taxi.

Mabuti na lang daw, maraming tao sa naturang lugar at may mga tanod raw na nakakita kaya naharang ang taxi driver.

Ang siste lang, inabot ng sampung minuto raw bago nakarating ang tinawagang pulis at sa tagal ng paghihintay nila ay makailang beses na raw nakapagpabalik-balik sa sasakyan ang taxi driver.

In short, sa pulis station ay naibulong daw sa kanya ng mga awtoridad na mahina ang kaso niya dahil wala na silang nakuhang ebidensiya sa loob ng taxi kung may ginamit ba ito na kung anumang ini-spray.

May hindi pa raw magandang experience ang former sexy star na si Ms Liz sa ospital na kanyang pinuntahan para ipagamot ang nagdurugo niyang ulo.

Anyway, gusto lang i-share ni Liz ang nangyari sa kanya sa mga kababaihan na maging alerto at mag-ingat kapag sasakay ng taxi, lalo’t ikaw raw ay nag-iisa.

Nasa mabuti nang kalagayan ngayon ang former sexy star pero hindi pa rin daw nawawala ang nerbiyos na dinanas.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Sa panliligaw ng ex-bf kay KC Concepcion
LJ Reyes, natutuwa raw para kay Paulo Avelino

Leave a Reply

Your email address will not be published.