Sa Pangingikil sa Foreign Firm sa MRT Expansion Project; DOTC, Dumipensa

DUMIPENSA ANG Department of Transportation and Communication (DOTC) sa akusasyon ng katiwalian sa proyekto para dagdagan ng bagong coaches ang Metro Rail Transit (MRT).

Ito ay matapos akusahan ni Czech Republic Ambassador Josef Rychtar ang ilang opisyal ng nasabing ahensya ng pangingikil ng $30 milyon noong Hulyo 2012 para paboran ang Czech company na Inekon sa planong procurement ng MRT.

Mula $30-milyon, bu-maba ang umano’y pangingikil sa $2.5 milyon.

Sinabi ni DOTC Secretary Emilio Abaya na hindi sumali sa bidding ang Inekon.

Tinanggihan ng DOTC ang alok ng Czech ambassador na government-to-government contract dahil mas mahal umano ito.

Pinasisiyasat na ng DOTC ang sinasabing katiwalian.

Itinanggi naman ni Interior Secretary Mar Roxas ang ulat sa isang pahayagan na sa kanyang panunungkulan bilang DOTC secretary nangyari ang umano’y pangingikil.

Bagama’t inabswelto ng opisyal, una nang nadawit sa naturang  isyu ang presidential sister na si Ballsy at asawa nitong si Eldon Cruz.

Hinamon rin ng Palasyo si Rychtar na maglabas ng ebidensya ukol sa akusasyon.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, magkakasa ng pagsisiyasat ang Malacañang oras na maglabas ng ebidensya ang opisyal.

Samantala, hindi rin aniya totoong na-blacklist sa bidding ng MRT ang Inekon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.