Sa panghihipo sa kanyang boylet Arnel Ignacio, sasapakin si Mr. Fu!

ANG NEGA AT mayabang na DJ/host na si Mo Twister daw ang bad influence sa young star na si Rhian Ramos kaya naman daw lately ay may bali-balitang napapabayaan ni Rhian ang kanyang trabaho.

Tsika nga ng aming source, papa’no naman daw makapagtatrabaho nang maayos si Rhian eh, laging tumatawag ang mayabang at feeling sikat na host na si DJ Mo kay Rhian during tapings? At kung minsan naman daw, sa kasagsagan ng trabaho nito ay pinapapunta ni DJ Mo si Rhian kung nasaan siya.

Kaya naman daw laging napagkikita si Rhian sa mga function kung saan nandu’n si DJ Mo, na imbes na makatulong ay nagiging malaking kasiraan kay Rhian at nakakatulong naman para mapag-usapan at sumikat ang nuknukan nang yabang na host.

Dagdag pa nga ng aming source, ano naman daw ba ang nagustuhan ni Rhian kay DJ Mo na punggok, ‘di naman kaguwapuhan, sobrang yabang at hindi maganda ang background dahil sa dami ng kaaway?

Mukhang hobby na nga nito ang mang-away, bukod sa pagiging pabaya sa kanyang may sakit na anak, at pagiging bastos sa matanda. Kung maalala, minsan na nitong binastos ang isa pang member of the press (PMPC) na si Tita Len Llanes.

Ano nga naman ba ang magandang puwede mong idikit sa pangalan ni DJ Mo? Wala, ‘di ba?! Kaya naman sana, magising na si Rhian or else baka magising ito one time na huli na ang lahat. ‘Yun na!

GALIT NA GALIT ang comedian/ entrepreneur/ host na si Arnel Ignacio nang mabalitaan nitong pati ang kanyang boylet na si Suzuki Sadatsugu ay nahipuan na rin ni Mr. Fu.

Tsika nga ni Arnelli nang makausap namin sa radio program ni Kuya Germs sa DZBB, “Nauna pa siya sa akin! Ako nga, ni hindi ko mahawakan si Suzuki. Humanda siya sa akin ‘pag nagkita kami, sasapakin ko talaga siya. Ha-ha-ha!” Pabiro, pero malamang pahayag ni Arnel.

Pilit mang ngumingiti, kitang-kita namin sa mga mata ni Arnel na hindi siya natutuwa sa nabalitaan. Kaya naman kaagad-agad naman nitong tinawagan si Suzuki na kinumpirma ngang totoo na hinihipuan siya ni Mr. Fu nang magsama sila sa Tweetbiz.

At nang matapos ang pag-uusap nina Arnel at Suzuki sa telepono, bigla na namang naglitanya si Arnel. “Noon pa man, hindi ko na talaga gusto ‘yang si Mr. Fu. Nakakairita ang lagi niyang pagsasabi ng ‘Me ganun, me ganun!’ Akala niya nakakatuwa, eh hindi naman! Hmp!

“Sa totoo lang, sa ginawa niya kay Suzuki, hindi ko talaga alam kung ano ang puwede kong gawin ‘pag nagkita kami, nakapag-iinit ng dugo. Nirerespeto ko ‘yung tao, tapos gaganunin lang niya?!”

Sa binitawang salita ni Arnel, mukhang suko hanggang langit ang galit nito sa host/ DJ/ comedian na si Mr. Fu! ‘Yun na!

MAY PAKIUSAP ANG sumisikat na komedyanteng si Shalala sa kanyang mga detractors na tantanan na raw ng mga ito ang usapin tungkol sa kanila ni Kuya Germs. Masyado na raw kasi siyang nahihiya sa itinuturing nitong mentor at siyang nagbukas sa kanya ng pinto sa showbiz na si Mr. German Moreno.

Kahit ano naman daw kasi ang gawing pagsira sa kanilang friendship, malabo raw itong mangyari dahil hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila sa radio at maganda pa rin ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkatrabaho.

Masyadong mataas daw ang respeto ni Shalala kay Kuya Germs, kaya kahit ano’ng paninirang gawin sa kanila, hinding-hindi ito maniniwala. Tsika nga ni Shalala, “Masyadong mahal ko si Kuya Germs. Kung hindi dahil sa kanya, walang Shalala sa Showbiz.”

BLIND ITEM: SINO naman itong laos ng Ingleserang bold star na balitang dahil sa kawalan ng trabaho ay ang sarili na lang nito ang inilalako sa mga iba’t ibang kapitan at kagawad ng barangay sa Batangas. Kung dati-rati raw, mayayamang pulitiko at businessman ang target nito, ngayon daw ay pambarangay kagawad at kapitan na lang ang costumer nito.

At kahi`t hindi raw kalakihan ang bayad, tinatanggap na ni sexy star basta lang may maiuwi siyang pera pabalik ng Manila. Kung dati-rati raw ay super pabolosa at talaga namang sosyalera ang hubaderang ito, ngayon daw ay kitang-kita sa hitsura nito ang paghihirap sa buhay.

Pero kahit medyo nabawasan na ang kagandahan ni sexy star, mabentang-mabenta pa rin ito sa mga barangay kagawad at kapitan dahil na rin sa sumikat naman itong bold star nu’ng kanyang kapanahunan. Hindi naman daw nasi-zero ang sexy star na ito na umaabot minsan sa apat (4) ang costumer sa isang araw. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Sa panghihipo sa kanyang boylet Arnel Ignacio, sasapakin si Mr. Fu!

  1. Puking ina mo MO.. Palaki ka muna gago! Puro ka satsat kang hinayupak ka. unano, pandak, bansot, punggok. Buwakang ina mo.

  2. yan lang ang paraan ni mo para mapag-usapan siya, magaling lang yan makialam sa buhay ng may buhay pero ang sarili niyang anak pinabayaan niya hinayupak talaga yang silahis na MO na yan, dapat kasi upakan mo na yan eh, kung hindi mo yan maupakan ako ang uupak sa bansot na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.