Sa pang-aagaw raw ni Sam Milby kay KC Concepcion “That’s impossible!” – Piolo Pascual

pSUMAKABILANG-BUHAY NA ang dating sexy actress na si Carmen Roda dahil sa sakit na Cancer. Kung matatandaan, huli siyang napanood sa programang Paparazzi ng Channel 5 at isinulat din natin sa kolum na ito ang kanyang naging buhay.

Isa sa mga hindi makalilimutang pelikula ni Carmen ay ang Mga Paro-parong Ligaw na nagbigay sa kanya ng nominasyon para sa pagka-Best Actress sa Famas, kung saan si Rene Imperial na isang action star ang napangasawa sa tunay na buhay.

Cancer sa obaryo ang ikinamatay ni Carmen na kung ilang buwan ding naging bed-ridden sa Davao. Mula sa bahay nito sa Mandaluyong, mas pinili ng mga anak ni Carmen na dalhin ang aktres sa Davao.

“Matagal ding nilabanan ni Carmen ang sakit niya. Marami siyang sakit, sa ovary, sa breast at mataas din ang kanyang dugo. Actually nakabibilib ang babaeng iyan, kasi kahit alam na niyang she is dying malakas pa rin ang loob niya hanggang sa bumigay na rin siya,” kuwento sa amin iyon ng isang taong malapit sa aktres.

Mula nang umalis si Carmen sa showbiz ilang taon na ang nakakaraan, kami ang “nakahanap” sa kanya sa kanyang maliit na silid sa Mandaluyong sa may Star Avenue.

Tanda pa namin ang huling linya na kanyang binitiwan: “Kung totoong may re-encarnation, gusto ko kung mamatay ako at muling mabubuhay, gusto ko ibang tao naman ako.”

Aminado kasi si Carmen na maraming sakit at unos na dumating sa kanyang buhay. “Wala naman akong pinagsisihan sa mga nagawa ko at mga naging desisyon ko. Pero kung maibabalik ko lang ang nakaraan, siguro hindi ko magagawa ‘yung mga bagay na nagpaparusa sa akin sa ngayon.

Alak, sugal at droga – mga bagay na “pinagsisihan”ni Carmen kung bakit sinubukang tikman. Isang linya ang hindi namin makakalimutan na kanyang binitiwan habang kausap namin siya sa may kaliitan niyang silid noon: “Salamat sa lahat ng mga nagmahal at mga nakakaalala sa akin.”

MAY GUSTO LANG po kaming linawin. Wala po kaming personal na galit kay Sarah Geronimo. Isinulat namin noon ang tungkol sa maagang pagkawala ng kanyang show ay base iyon sa kanyang naging pahayag na tanggap niyang hindi masyadong nagre-rate ang kanilang show.

At ‘yung sinasabi namang panay ang sulyap ni Sarah habang on-going ang rehearsal nina Rayver Cruz at Cristine Reyes para sa isang special number sa ASAP, wala rin kaming masamang intensiyon du’n, dahil ang balitang iyon ay nakarating sa amin mula sa isang source na taga-Dos.

Nagtataka kami kung bakit may mga nagsasabing galit daw kami kay Sarah kaya tinitira namin ito. Tanong po namin, kelan pa naging pambibira ang isang straight news na totoo naman? Tse!

TINAWANAN LANG NI Piolo Pascual ang balitang nililigawan ni Sam Milby si KC Concepcion. Kung paniniwalaan ang tsika, walang dudang type daw ni Sam ang kasalukuyang “friend” ni Papa Piolo.

Ni katiting na paniniwala, wala sa isipan ni Piolo na magagawang “agawin” sa kanya si KC ng kaibigang si Sam. “No, hindi ako naniniwala sa balitang iyan. Parang… that’s impossible.”

Samantala, tuloy pa rin ang sweetness nina Piolo at KC sa isa’t isa. Kaya lang, hanggang ngayon masakit pa rin sa aktor ang akusasyon na sinulsulan niya ang dalaga ni Sharon Cuneta na lumipat sa Star Magic. “No, that’s unfair for me dahil never kong ginawa iyon at never kong panghihimasukan ang mga personal na desisyon ni KC,” pagwawakas ni Piolo.

MAY ISANG MORAL lesson akong natutunan this week. Hindi ka pala dapat magtiwala sa mga kaibigan na akala mo ay kaibigan mo nga. May mga kapwa reporter na ang pakay ay “ilaglag” ka, kaya gumagawa sila ng patibong. At isa ako sa naging biktima niya. Kaya ang ending, ayoko na po ngayong mag-Facebook. Maraming, maraming salamat, Roldan Castro, sa mga natutunan ko sa iyo.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleBaby Lucho nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nabinyagan na!
Next articleCristine Reyes at Rayver Cruz, 2 – buwan nang mag-dyowa?!

No posts to display