Sa pambubugbog kay Albie Casiño Sigaw ng Mommy: Sobra Na!; Sey ng supporters ni Andi Eigenmann: kulang pa!

BLIND ITEM: Meron kaming natanggap na e-mail na nagbigay ng detalye tungkol sa buhay ng isang kontrobersyal na sexy star ngayon. Ayon sa e-mail, isang Muslim ang ama nito at pati ang facebook account ng kuya niya sa dad’s side.

Naiinis ang e-mail sender sa inuugali ng sexy star, kaya sana raw ay masabihan ito ng real dad niya. Gano’n?

Alam daw ng sexy star ang tungkol dito, idinedenay lang daw.

Ask natin sa ate niya kung true.

NGAYONG WEEK na magsasampa ng kaukulang kaso (it might be Multiple Physical Injuries o/at Assault) ang parents ni Albie Casiño laban sa mga bumugbog sa binata sa Fiamma Bar dawit pa si Andi Eigenmann na nauna nang binuhusan sa mukha ng wine si Albie at sinampal ito.

Marami ang nagtu-tweet sa amin na dapat lamang daw ang nangyari na ‘yon kay Albie at kulang pa nga dahil sa pagtanggi nito na akuin ang responsibilidad bilang ama sa anak ni Andi.

Sa totoo lang, wala pang closure ang isyung ito, dahil hindi pa nga inaako ni Albie ang responsibilidad. Pero ang pamilya ni Albie ay isa lang naman ang hinihingi: ang ipa-DNA ang bata para makasiguro na hindi naman inayunan nina Jaclyn Jose at Mark Gil at sinabi ng mga itong hindi na kailangan ang ama kaya pagtutulung-tulungan na lang nilang itaguyod ang kanilang apo.

Nanahimik ang isyu hanggang sa magkaengkuwentro nga ang dalawa sa Fiamma. Sasagot na rin ang ina ni Albie na si Mommy Rina dahil katuwiran nito, “Sobra na, eh. Nananahimik ang anak ko at bakit kailangang pagtulungan ang anak ko? Anong karapatan nilang saktan ang anak ko?”

Kayo, ano ang maisa-suggest n’yo para matapos na ang isyung ito? Dapat bang ipa-DNA na ang bata para magkaalaman na? O tama lang ang stand nina Jaclyn at Mark na ‘wag na at sila na ang bahala?

PROBLEMA SA bagahe ang dinidiskusyon ni Claudine Barretto sa isang ground crew kahapon sa NAIA3 pero ang hindi nila alam, nabibidyuhan pala ito ni Mon Tulfo. Nakita ito ni Raymart, pinakiusapan ito na ‘wag nang ibidyo.

Ayaw raw ni Tulfo, nagtalo at nagpang-abot, kaya nagkapisikalan. Tinamaan pa si Claudine, kaya pareho silang nasa presinto para magpaliwanagan kasabay ng kanilang pagpapa-medico legal.

‘Eto lang ang kumalat sa twitter, at hindi para mag-conclude kami ng kung anu ano, kaya hintayin natin ang paliwanag ng magkabilang panig.

Hinihirit ni Claudine na ilabas ng NAIA 3 ang CCTV camera para malaman kung sino ang unang nanapak kanino. Samantala, inireklamo ni Tulfo sa pulisya ang pananapak sa kanya ni Raymart.

Sa mga hindi nakakaalam, taekwondo expert si Raymart at matapang na broadcaster naman si Tulfo.

NALOKAH KAMI sa billboard sa Edsa-Connecticut ni Sharon Cuneta na ipino-promote ang kanyang Sharon, Kasama Mo,Kapatid!

Kasi ang kicker ng ad, “Mataba Na Kung Mataba”. Tapos napakaliit lang ng mga letra ng mga sumunod na salita: “Ang puso.” Tapos, andu’n ang picture ni Sharon na malusog.

Kung sa pagkuha ng atensyon ng mga motorista, wagi roon ang naturang billboard. Pero dapat ba talaga, gasgasin nang gasgasin ang pagiging mataba ni Sharon?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleRelasyong Jason Abalos at Jewel Mische, nauwi rin sa hiwalayan!
Next articleKinarma sa ginawa kay Andi Eigenmann? Albie Casiño, nakatikim ng bugbog!

No posts to display