Sa palpak na operasyon ng Marikina PNP Tulak, nakapuga; 2 kilo ng Shabu, narekober

BAGAMAT NAREKOBER ANG tinatayang dalawang kilo ng shabu, nakatakas naman ang kilabot na drug pusher matapos na pumalpak ang operasyon ng Marikina PNP kahapon ng madaling-araw.

Hawak ngayon ng pulisya ang apat na paketeng shabu na naiwan ng suspek na nakilala lamang sa pangalang Robert Tan, itinuturong lider ng drug syndicate sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, isang buy-bust operation ang nakatakdang isagawa ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Sinabi ni Marikina police chief, Sr. Supt. Romeo Magsalos na binubuntutan ng kanyang mga tauhan ang suspek nang posibleng maghinala umano ito.

Bigla na lamang umanong iniwan ng suspek ang isang backpack sa isang kanal sa may kanto ng JP Rizal at Japan Avenue sa Brgy. Nangka at tumakas sa hindi mabatid na lugar.

Hindi naman maipaliwanag ng pulisya kung paano nakatakas ang suspek kung tukoy na nila ito na siyang lider ng isang sindikato at kontrolado nila ang lugar ng o-perasyon.

Ayon pa sa pulisya ang nakumpiskang iligal na droga ay may street value na P6 million.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.