Sa pakikipag-usap ni Tony Boy kay Bishop Cruz: P-Noy, dedma lang

HINDI PA KINUKUMPIRMA ni Pangulong Noynoy Aquino kung totoo bang nilapitan ng kanyang pinsan na si Antonio ‘Tony Boy’ Cojuangco si Archbishop Oscar Cruz upang kausapin ang huli hinggil sa alegasyon sa multi-milyong pisong proteksiyon sa Jueteng sa ilalim ng bagong administrasyon.

Mariin ding ipinahayag ng Pangulo na hindi gustong makipag-usap ng Arsobispo sa kanya, matapos makipagdayalogo ang  Pangulo sa media. Sinabi pa ni P-Noy na wala itong panahon upang makausap ang pinsan hinggil sa nasabing usapin.

“What’s clear is that we don’t have any involvement in Jueteng,” tugon ng Pangulong Aquino sa mga interviews ng mga reporter sa ginanap na meeting nito kasama ang ilang business leaders upang pag-usapan ang mga bagong investments sa bansa.

Si Cojuangco umano ang pinakamalaking campaign contributor ni P-Noy sa matagumpay nitong pagkakaluklok sa puwesto bilang Pangulo.

Ibinunyag ni Cruz na kinausap siya ni Cojuangco na maghinay-hinay sa mga akusasyon sa administrasyong Aquino na may kaugnayan sa isyu ng multi-milyong pisong Jueteng payola sa mga opisyal ng pamahalaan kapalit ng proteksyon sa operasyon ng iligal na Jueteng sa bansa.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sa pakikipag-usap ni Tony Boy kay Bishop Cruz: P-Noy, dedma lang

  1. sa ipinakikita ni Pnoy, mukhang di niya matatapos ang term niya sa tingin ko lang.
    but i still really like him. pero para talagang he doesnt have leadership ability. nakakapanghinayang he didnt get that from his father.
    sana tigilan na ni Noynoy ang pagbabayad ng utang na loob at sana tigilan niya na ang comparison niya sa nakaraang administrasyon. he should look forward. history will judge Arroyo. hindi tama na cautious parati sa gagawin para di ma-icompare kay Gloria tulad ng pagkain ng hotdog sa kalye. bigyan naman ng dignidad ang posisyon ng presidente. sana dinala na lang sa loob ng kuwarto ang hotdog at doon kumain. pwede namang kumain sa hindi masyadong mahal na resto. maganda rin namang magtipid pero huwag naman masyadong pababain ang dignidad ng posisyon. ang presidency ay isang posisyon na dapat pangalagaan ang estado, hindi po kayo mayor lang o gobernador lang.

  2. what would pnoy would u expect to say? 100M ang ibinigay ni tony boy nong election? di kaya galing din yons ajueteng? nagtatanong lang po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.