Sa pakikipag-loveteam kina Dennis Trillo at Joem Bascom: Agot Isidro, Cougar Queen?

VERY STABLE na talaga bilang character actress si Agot Isidro. Yakang-yaka niya ang iba’t ibang roles kahit pa api-apihan ito o kontrabida. Nakakagulantang ang mga revelations ngayon sa ‘Nasaan Ka, Elisa?’ dahil ang karakter na ginagampanan niya ay nagkaroon ng iligal na relasyon sa mas batang lalaki na ginagampanan ni Joem Bascon. Sa bagong Metro Manila Film Festival entry naman ng Regal Films na Yesterday, Today, Tomorrow ay walang inhibitions ito sa pakikipaglampungan kay Dennis Trillo. Base sa trailer, all out ang Kapamilya star sa love scenes niya sa Kapuso actor. Si Agot Isidro na ba ang Cougar Queen ng ‘Pinas? Well, that’s a compliment, huh!

 

Megan Young, hindi pa tuluyang pinagkakatiwalaan ng Dos!

 

NAGLABAS NA kamakailan ang ABS-CBN ng ilang video teasers para sa mga bagong programa nila for 2012. Isa na rito ang Precious Hearts Romances presents Lumayo Ka Man Sa Akin na pinagbibidahan nina Jason Abalos at Maja Salvador. Kakatapos lang ng story conference ng programa. Marami tuloy ang nagtataka kung bakit tila parang wala nang plano ang Kapamilya Network na ipalabas ang Precious Hearts Romances presents Hiyas, na pinagbibidahan naman nina Zanjoe Marudo at Megan Young. Sa katunayan nga, ilang buwan na rin ang nakakaraan nang matapos ang taping ng nasabing serye. May mga haka-haka na hindi raw ganu’n ka-confident ang network sa kakayahan ni Megan Young na magdala ng programa kahit pa si Zanjoe Marudo na ang ka-partner nito. Sayang, marami pa naman ang nag-aabang kung may ibubuga ang indie film star na si Mercedes Cabral sa mainstream TV acting. Anyare, Dos? ANYARE?!

 

Sam Pinto, pinagbigyan ang mga kalalakihan!

 

BILANG PASASALAMAT sa kanyang mga diehard fans, pinagbigyan ni Sam Pinto ang hiling ng mga FHM Philippines readers na lumabas ito sa nasabing magasin bago pa matapos ang taon. Mas classy at mas daring ang pictorial ng Bubble Gang star. Kung dati-rati ay hindi pa ito all-out sa pagbi-bikini, ngayon ay mas confident na itong magbu-yangyang ng kanyang alindong na tunay namang pagpapantasyahan ng mga barako. Si Sam Pinto ang itinanghal na FHM Philippines’ Most Sexiest Pinay of 2011. Tinalo lang naman niya ang mga nagre-reynahan sa showbiz tulad nina Angel Locsin, Cristine Reyes, Anne Curtis at si Marian Rivera. Teka, ok na ba sila ngayon? Hmm….

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sa pakikipag-loveteam kina Dennis Trillo at Joem Bascom: Agot Isidro, Cougar Queen?

Leave a Reply

Your email address will not be published.