Sa pagtulong kay Nadia Montenegro at mga anak Eddie Gutierrez, matagal nang binalaan si Annabelle Rama

BLIND ITEM: Na-shock na lang ang isang young actor nu’ng lapitan siya ng manager ng isa ring guwapong young actor. Sinita siya nito para sabihing ‘wag i-bully sa set ng kanilang teleserye ang kanyang alaga.

Siyempre, sa loob-loob ni Bagets 1, “Dapat ‘yon, hindi na niya sinusumbong. It was between us lang. Kung tunay kang lalaki, ‘di ba, ba’t mo pa ipararating doon? Ba’t kailangang magsumbong sa manager? Hindi ba niya kayang i-resolve ang issue between us?”

So ang tanong: ano ba’ng naging isyu?

Sa set ng kanilang teleserye, ang kumakalat ay bading si Bagets 2. Sa kapraningan ni Bagets 2 sa isyu, para na itong praning na feeling nito, kada lapit ng staff o ng kapwa artista ay may pinatutungkulan ito sa kanyang gender.

Eh, one time, si Bagets 1 ay nahuli si Bagets 2. Alam n’yo ba kung ano’ng ginagawa ni Bagets Praning? “Kung lipstick lang ‘yon, okay lang, eh. Lahat naman ng artistang lalaki, puwede namang mag-lipstick, eh. Eh, siya, ang inilalagay niya sa lips niya, merthiolate. Nagtaka ako, kaya sabi ko sa kanya, ‘Bro, tigil mo na ‘yang paglalagay ng merthiolate sa lips mo, baka malason ka! Ayun, ‘yung scene na ‘yon, isinumbong pa niya sa manager niya.

“Eh, ‘di ba, ba’t mo isusumbong? Hindi ka naman binu-bully or something. Concerned pa nga ako sa ‘yo. Ako kasi, kung ibu-bully mo ‘ko, ba’t ako magsusumbong sa manager ko? It’s either mananahimik na lang ako at dededmahin ko ‘yung pambu-bully ko or hahamunin kita ng suntukan para matapos na ‘to!”

‘Eto raw ang malinaw. Sa set daw ng kanilang teleserye ay amoy na amoy ang pagka-badingding daw ni Bagets 2.

At “pautot” lang daw ang loveteam ek-ek nito sa isang young actress.

“Pang-showmanship lang niya ‘yon para hindi mabuko na bakla siya!” sey pa ng young actor.

Sorry, hindi na po kami magbibigay pa ng clue.

Baka kung saan tayo mapunta. Basta siya na nga ‘yon.

 

TOTOO ‘YUNG sinasabi ni Tito Eddie Gutierrez. “Si Annabelle naman, kung mapapansin n’yo sa mga laban niya, hindi siya ang nagsisimula, eh. Sumasagot lang siya, eh!”

Noon pa ay winarningan na ni Tito Eddie si Tita Annabelle na ‘wag nang i-handle ang mga anak ni Nadia Montenegro, dahil hindi maganda ang kanyang pakiramdam, kaya ‘eto na nga, true enough, totoo pala.

“Grabe tulong ni Annabelle sa mga anak ni Nadia. At kay Nadia mismo. Kahit sabihan mo si Annabelle na ‘wag na, lalo siyang natsa-challenge tumulong. Kesyo kawawa naman daw si Nadia pati mga anak. At ‘eto na nga, nangyari na ang hindi dapat mangyari,” napailing na lang si Tito Eddie.

Pero bilib din si Tito Eddie sa kanyang maybahay, “Dahil si Annabelle, hangga’t alam niyang may katuwiran siya, alam niyang tama siya, kahit saan makarating, lalabanan ka niyan. Eh, alam ko namang kayang-kaya niya ‘yan at nandito lang naman kami nakasuporta sa kanya, eh! Wala namang labang hindi nalalampasan niyan, eh!”

 

REKOMENDADO NAMIN sa inyo ang Unofficially Yours nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Kung masyado kayong partikular sa inyong “lovelife,” bagay sa inyo ‘to.

Maganda at simple lang ang kuwento. Kung ang isang babaeng mahilig sa casual sex at libog lang ang pinaiiral at hindi puso ay hanggang saan dadalhin ng kanyang “batong puso”.

Nakakatawa ang maraming eksena dito nina John Lloyd at Angel. After watching the film, na-realize naming hindi nangangailangan ng matitipunong katawan para maging kaelya-elya sa mga moviegoers. Dahil si John Lloyd na chubby ay nakakaelya na sa mga eksena nila ni Angel, eh. Si Angel naman ay aakalain mong pokpok, so ibig sabihin, super effective ang kanyang portrayal.

Kaya pala ang MTRCB rating na nakuha nito ay R-13, dahil sa ilang maseselang eksena at dayalog. Pakinamnam n’yo lang ang sinabi ng inang si Tetchie Agbayani bilang pangaral kay Angel Locsin at tatamaan kayo.

Pati ‘yung “kalabugan scene” sa kuwarto ay lukang-luka kami, hahahaha!

Basta watch n’yo na lang at hahagalpak din kayo sa katatawa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Sa pagtulong kay Nadia Montenegro at mga anak Eddie Gutierrez, matagal nang binalaan si Annabelle Rama

  1. on UNofficially Yours, super LIBOG nina Angel at Lloyd!!! Sabagay ginagawa na nila eto sa kanilang mga partners, kaya wala lang sa kanila ang mga bed scenes!!! BOMBA! BOMBA! BOMBA! sila hehehehehehehehe… walang aral, kundi kalibogan ng dalawang taong walang moral. Ganito na ba papunta lahat ng pelikula ng Ch 2???

  2. ay naku dati irritated ako kay annabelle rama,,pero after ko siya napanuod last week sa interview with janice de belen,,,ngaun ko lng narealize,,totoong tao lang tlga siya

  3. Di po ba,Tito Ed,mas mabuti po ang nakakatulong keysa kayo ang namumurhisyo,or nang lalamang ng tao,paalahanan lang ninyo Mrs. ninyo huwag masyadong hyper kasi lalo siyang iimbyernahin ng magina ni Nadia at anak nyang wala naman pangalan sa showbiz industry

Leave a Reply

Your email address will not be published.