Sa pagtuligsa kay CNN reporter Anderson Cooper
Korina Sanchez, nawalan ng kredibilidad?

Anderson-Cooper-Korina-SanchezDAHIL NA rin sa pagtuligsa sa CNN reporter na si Anderson Cooper nang ibalita nito sa CNN at mapanood ng buong mundo ang kalunus-lunos na nangyari sa Tacloban dala ng super typhoon Yolanda, dumami ang haters ni Korina Sanchez ‘di lang sa bansa kundi maging sa buong mundo nang sabihin nitong mali-mali ang report ni Cooper.

Buwelta nga ni Cooper na hindi niya kilala si Korina at ang alam lang daw niya ay asawa ito ng isang politician. Idinagdag nito na ang inire-report niya ay kung ano lang ang nakikita niya at ang interview niya ay mula na rin mismo sa mga taong naroroon.

Dagdag pa ni Cooper na hinahangaan niya ang katatagan ng mga Pilipino na naroroon na kahit sa gitna ng trahedya ay handa pa ring bumangon at naniniwalang may pag-asa at gumagawa pa rin ng paraan para maging masaya at makalimutan pansamantala ang dinanas na trahedya.

Sa ginawang pagbatikos ni Korina sa report ni Cooper, mas marami ang pumanig sa CNN reporter at kumalat sa Twitter, Instagram at Facebook ang lait kay Korina ng mga kababayan nating Pinoy sa bansa ta isa bang panig ng mundo, at kahit nga ang mga hindi natin kalahi ay hindi rin sumang-ayon sa ginawa ni Korina.

Marami nga ang nagsasabi na nawalan ng kredibilidad si Korina bilang broadcast journalist na balitang suspended sa ABS-CBN dahil na rin sa kanyang ginawang pagtuligsa kay Anderson Cooper.

 

PROUD MOM ang awardwinning-actress na si Ms. Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde dahil kahit baguhan pa lang ito sa showbiz ay sunud-sunod ang nominasyon na nakukuha nito sa iba’t ibang award-giving bodies kung saan last year ay nanalo itong Best New Male TV Personality sa Star Awards For Television para sa mahusay nitong pagganap sa MMK.

At last year din ay na-nominate ito sa Golden Screen Awards for Breakthrough Perfromance by an Actor. At ngayong taon nga ay nominado ulit ito sa Star Awards For Television for Best Supporting Actor para sa mahusay nitong pagganap sa Dugong Buhay.

Hindi nga raw inaakala ni Ms. Sylvia na mapapansin ng marami ang talento sa pag-arte ng kanyang anak na obviously ay namana sa kanya dahil ‘di rin naman matatawaran ang galing sa pag-arte ni Ms. Sylvia.

Tsika nga nito na manalo o matalo man ang kanyang anak ay isang malaking karangalan na rin ito para kay Arjo, sa kanya at sa kanilang pamilya. Bukod nga kay Arjo ay nominado rin si Ms. Sylvia for Best Supporting Actress para sa mahusay nitong pagganap sa Be Careful With My Heart.

 

NAG-CELEBRATE NG kanyang 18th birthday ang Tweenstar na si Hiro Magalona Peralta at imbes na isang engrandeng selebrasyon ang magaganap ay mas pinili na lang nitong mag-donate sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda, isa nga sa naging wish nito ay inalay niya sa Yolanda Victims.

Ilan pa sa wish nito ang magandang pangangatawan sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay. Wish din nito ang tuluy-tuloy na trabaho sa kanyang home studio, ang GMA-7 at Regal Films.

Nais nga nitong iparating kay Mother Lily na bigyan siya ng pelikula habang pahinga siya ngayon dahil katatapos lang ang kanilang soap na Anna Karenina na tumagal ng ilang buwan dahil nag-click ito sa mga manonood at certified top-rater ng Kapuso Network.

Pakiusap naman nito sa GMA-7 na sana raw ipareha siya muli sa kanyang original loveteam na si Kim Rodriguez na matagal-tagal na rin daw niyang hindi nakakatrabaho at gusto rin nitong makatrabaho sina Barbie Forteza, Kylie Padilla at maging si Marian Rivera.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

13 thoughts on “Sa pagtuligsa kay CNN reporter Anderson Cooper
Korina Sanchez, nawalan ng kredibilidad?

  1. I hate KORINA SANCHEZ-ROXAS she’s one of the reasons why CERYL COSSIM, CONNIE SISON, etc. went over the bakod. She’s one of the SNAKES in the SNAEPIT NEWSROOM of ABS-CBN.

    • korek, alam yan nina Alvin, tunying at karen,,,,mangiyak ngiyak pa noon si Cheryl ng magpaalam sa grupo niya sa News Dept at Dzmm…hahahha dahil yan kay Aling Koring, na retokada na,ang sama pa ng ugali,,,hahahha

  2. baka hind alam ni korina nauuna ang cnn sa mga balita mga spy sus me laht ng galw ng gobyerno alam ng america at ibang bansa. korina yung mga katulong mo na nagdemanda syo binbubog mo! bayad na wlang mahusay na abogado sa mukha nalng maldita sa loob ang kulo! mas may kredibilidad ng malaki yang cnn kesa sayo toto lang anong alam mong pamigay tsinelas ! makakin ba tsinelas gawin mo sa show bigyan mo trabaho pangkabuhayan pinpuntahn mo mga bata scholarship hind tsinelas na walng kawawaan gutom sikmura te! di hamak mas totoo ang nirereport nauuna sila sa balita me mga spiya sila rito meron na nga silang satellite sa labas ng munod nalalaman galaw tataka pa kayo? nakakpunta sa mars ssang planeta ito pa kayang pinaggawa ng mga taong gobyerno hind nalalaman common sense lang naman. kaya alam ng cnn walng nagasikaso at mabagal dahil mya mga spy na po sila common sense! local officals kaya ewan ko kay korina kung matalino magisip siya tuloy ang sinupal at napahiya. pumnta ka korina lagyan mo putik legs mo sa mga iskuater! pasukin mo! para lam mo! bawat kilos ng gobyerno alam ng america at iabng bansa may matatago ba sa kanila high tech na sila yan ba hind niyo pa maget alam din nila kung sino sino magnanankaw sa gobyerno! magaling lang si koring harap ng kamera ! asawa niyan tatakbo ulit sa 2016 hind na nadala sa pagkatalo!

  3. dapat kay koring sipain na sa dos haha!

    siguro boytoy ni madam john fontanilla si hiro peralta kaya parating sinusulat hahahaha

  4. Served her right. Kala cgro nya aayon ang mga Pinoy sa ginawa nya. Kala cgro nya kakampihan cya ng mga Pinoy, pero ano napala nya? Katakut takot na bashing hehhehehe. Mae pal nmn kasi tong First Lady eh. Kala nya lahat ng sinasabi nya tama kaya kung maka asta sabagay FL nga pala cya.

  5. Wag nmn natin masyadong laitin si Ms. Korina kung anu man ang nasabi nya eh dahil gusto nya protektahan ang bansa natin pangalawa eh hirap nmn tlg pasukin ng govt. ang mga lugar na sobra nasalanta I think gumawa nmn ng paraan para masaklolohan agad sila, kung may mali man si Ms. Korina eh yung masyadong naka pin point kay Mr. Cooper ang atake nya, at asawa cya ni Mr. Roxas kaya nabigyan tlg ng kulay.

      • hello koring, di mo kilala yang binabatikos mo, beyetanong correspondent yan ng mga nalalaking giyera at calamidad ba nangyari sa ibang bansa wala kayo sa kalingkingan ng taong yan. Di yan nabayaran tahapagmana yan ni Gloria Vanderbilt, isa sa pinakamayaman sa mundo, at sa satiling sikap lang niya sumasahod ng _,$10,000.00/mo. At personal nrt worth niya at $100,000.00 di pa kasama ang mamanahin niya at isa pa korina fyi, Harvard graduate siya, e ikaw? Kayong sbs-cbn news team dyan, anong expertise nyo aside sa sumipsip sa palpak na administrasyob penoy? Ano expertise nyo? Paninirang puri at pagsisinungaling lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.