Sa pagtu-tweet na naki-party si P-Noy sa kabila ng trahedya ng Sendong Valerie Concepcion, humingi ng sorry!

NAG-SORRY SI Valerie Concepcion sa pagtu-tweet niyang naki-party ang Pangulong Noynoy Aquino sa Christmas partry for the Presidential Security Guards ng Malacañang.

“If I, in any way, offended you guys and sounded insensitive, I am very sorry. It wasn’t my intention to do either. I can’t imagine how difficult life is for the people affected in Mindanao and how difficult it is to be the president of the Philippines at this moment. Once again, I am very sorry for all those people I have offended. May God bless us all,” sabi ni Valerie sa tweet.


Marami kasi ang nag-react sa message ng pasasalamat ni Valerie kay P-Noy dahil nag-enjoy daw ito sa kanyang jokes in between her performances.

To the rescue naman si Kris Aquino at sinabing matagal nang naka-schedule ang party na  ‘yun ng PSG and there’s no way it can be cancelled.

“Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot but then, life should go on. Hindi naman p’wedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo,” say ni Kris in defense of her brother.

Feeling namin, hindi dapat nag-sorry si Valerie because hindi naman niya siniraan si P-Noy. She was just honest enough to mention na naki-party ang presidente sa PSG, may masama ba ro’n?

SI CARLO Aquino raw ang pumuporma ngayon kay Sarah Lahbati, ang bida ng Kokak.

Sabi sa amin ng isang source, masigasig daw si Carlo sa panunuyo sa dalaga. Hindi naman nasabi sa amin kung paanong nagkakilala ang dalawa.

Sorry pero we never got to watch Kokak kaya hindi namin alam kung magkasama silang dalawa rito. Pero baka nga roon sa taping sila ng soap nagkakilala.

Anyway, goodluck na lang sa panliligaw ni Carlo kay Sarah. Sa tingin naman namin, they look good together.

NAPANOOD NAMIN ang Panday 2 noong Lunes and it was very pambata.

Natuwa kami dahil may mga bisitang bagets sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado sa press preview. Hindi nga lang namin alam kung saang lugar galing ang mga bata. Pero bukod pa sa libreng sine, lahat sila ay binigyan ng mag-asawa ng mga regalo.

Simple lang ang plot ng Panday 2, ang pagtutunggali nina Flavio (Bong) at Lizardo (Phillip Salvador). Almost seamless ang special effects at hindi dragging ang pelikula.

As usual, pinatunayan ni Bong na maganda ang quality ng kanyang movie at tailor-made sa kanya ang role bilang tagapagtanggol ng naaapi. Hindi rin nagpahuli sa galing si Phillip. Revelation si Lorna Tolentino rito at mukhang sa ending ay may karugtong pa ang kanyang role.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleNagsisisi raw sa pagiging taklesa KC Concepcion, mahal pa rin si Piolo Pascual?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 9 December 21 – 22, 2011 Out Now!

No posts to display