Sa pagtatapos ng Walang Hanggan
Dawn Zulueta, nagsisimula nang malungkot

NAKAKALOKAH ANG mga friends naming may-kaya sa buhay. Aba, nangungulit at gustong pumasyal sa taping ng Walang Hanggan. Alam namin at intin-ding-intindi namin na hindi para dalawin kami, kundi para makita nang personal at makapagpa-picture-taking sa mga bida ng number one teleserye.

Grabe na talaga ang kamandag ng Walang Hanggan na nanunuot sa kamalayan ng ating mga kababayan, lalo na sa mga TFC subscribers na tanging panonood lang ng mga teleserye sa Dos ang ginagawang libangan pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho.

Sa October 21 ang Grand Pasasalamat sa Araneta Coliseum ng buong cast ng Walang Hanggan, kaya juice ko, ngayon pa lang, ang dami nang nangungulit kung mabibigyan ba namin sila ng tickets o kung ipinagbibili, magkano naman daw?

‘Etong mga ganitong senaryo ang nagpapatibay talaga ng isang katotohanang napakalakas talaga ng Walang Hanggan sa puso ng mga Kapamilya.

 

AND AT this point, Ladies and Gentlemen, (me gano’ng pagbati talaga?), gusto na-ming magpasalamat sa Itaas, sa pamunuan ng ABS-CBN, dahil kami ang naisip nilang kunin bilang assistant ni Donya Margaret Montenegro.

Na feeling naman namin ay nabigyan namin ng justice (wow, huh! Anong krimen naman kaya ang ginawa namin para sa justice-justice na ‘yan? Hahahaha!) ang papel na ipinagkatiwala nina Tita Cory Vidanes at Deo Endrinal.

At sa buong cast na nag-uumpisa nang malungkot, dahil almost one year din kaming “magkakaklase” sa taping, tapos, mag-e-end na pala.

Mabuti na lang at alam naming sa ibang pagkakataon ay magkikita-kita pa rin ang mga cast.

At alam n’yo ba? ‘Eto, ngayon lang namin ‘to aaminin sa inyo, ha? Dumating sa buhay namin ang Walang Hanggan nang magpaalam na kami sa isa’t isa bilang manager-talent ni Vice Ganda.

So timing talaga. ‘Pag me nawawala o nag-e-ending, merong dumarating o sinisimulang panibagong blessing.

‘Yun siguro ang natutunan namin sa buhay. Na dito sa ating mundo, walang permanente. Kundi ang interes, kamatayan at higit sa lahat, buwis.

 

SI DAWN Zulueta, alam n’yo, sabi sa amin, “Hay, nako, Ogs, ngayon ako nagsisimulang malungkot. Ang bilis ng panahon, ‘no? Parang kelan lang nu’ng nagsimula tayo sa ‘Walang Hanggan,’ tapos, ‘eto, magdi-the end na?

“Nalulungkot ako, dahil mami-miss ko kayong lahat.”

Sabi nga namin ng kalabtim naming si Arlene Muhlach, “Para tayong magkakaklase nu’ng high school, ‘pag naka-graduate na, nalulungkot na, nag-iiyakan na!”

Sobrang mahal na mahal namin ang cast ng Walang Hanggan, dahil kahit matataas na artista pa ang mga katrabaho namin ay walang yumabang at walang nag-primadonna.

Ang bidang si Coco Martin ay consistent sa kabaitan at humility. Na ‘pag nakikita kami ay lagi kaming hinahalikan sa labi… este, sa pisngi. Si Paulo Avelino ay mami-miss din namin, dahil lagi siyang nagtatanong sa amin, “Kuya Ogie, me baon kang kopi bun diyan?”

Sina Richard Gomez at Dawn na konting hirit lang namin ay kababaw ng kaligayahan at laugh to death sila. Sina Tita Helen Gamboa at Tita Susan Roces, juice ko po, gusto naming sambahin sa sobrang bait at supportive sa lahat ng cast.

Sina Direk Jerry Sineneng at Direk Trina Dayrit at Direk Jojo Saguin, ang tatlong direktor na never naming naringgang nagmura sa set at mga “cool” lang sila, thank you, thank you.

Sa iba pang artistang sina Julia Montes, Melissa Ricks, Joem Bascon, John Medina, Noni Buencamino, Shamaine Buencamino, mami-miss na-min ang mga kaibigan naming ito.

At sa lahat ng staff, crew at mga hunters (staff ng mga nagtatayo ng tents), salamat din sa inyong kabaitan.

No, hindi po kami matitigok, ha? Nagte-thank you lang kami, dahil nga mami-miss namin silang lahat. ‘Yun yon. Hahaha!

At sa lahat ng mga nanood at talagang naadik sa teleseryeng ito, ang aming “Walang Hanggan” na pasasalamat sa inyong lahat!

Mahal ko kayo.

Naks! Ang OA na ni Ogie Diaz, huh! Hahahaha!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Sa pagtatapos ng Walang Hanggan
Dawn Zulueta, nagsisimula nang malungkot

  1. sa maniwala kayo o hindi sobrang sikat ang Walang Hanggan dito sa SFO halos lahat ng pinoy dito sa Hospital na pinag trarabahuhan ko tuwing break walang pinag uusapan kung hindi ang mga teleserye ng dos lakas ng hatak ng TFC hindi naman kaila talaga naman magaganda ang pinalalabas nila lalo na ang Be Careful with my heart

    • kami din pinapanood na namin online kasi evening shift kami eh 6 pm pa dito yun kaya para di mamiss tutok muna sa comp kung nandoon na sa pinoy tamabayan or kahit na anong site

  2. .super duPer true..mamimisS talaga namin ang sh0w na to…kahIt minsan na00Aan Kami minsan sa ilang eksena,, gaBi gaBi pa rin naming pinapan0od..dahil s0brang ‘makamandag’ talaga ang sh0w na to….huh!! BeauTiful words is n0t yet en0ugH to expResS what we fEeL AbOuT thIs sh0w…

  3. .super duPer true..mamimisS talaga namin ang sh0w na to…kahIt minsan na00Aan Kami minsan sa ilang eksena,, gaBi gaBi pa rin naming pinapan0od..dahil s0brang ‘makamandag’ talaga ang sh0w na to….huh!! SINE(sPaCe is n0t en0ugH) to expResS what we fEeL AbOuT thIs sh0w…

  4. Kaming pong mga TFC subscribers ay talagang malulungkot sa pagtatapos ng Walang Hanggan. Totoo ang sinabi ni Ogie na sikat na sikat ang serye na ito. Kasi sa mga parties at bonding ng mga pinoy dito sa America, ang pinag uusapan ay ang teleserye na ito. Sabagay lahat naman ng teleserye ng ABS -CBn ay magaganda!!!!!

  5. Super swangit naman ng show na to!

    Kaya lang maraming nanonood kasi maraming mga baduy at walang class na pinoy!

    Yuck!

    kadiri naman si Paulo avelino parang porn star ang dating! puro paghuhubad lang ang alam! mag bold star na lang sya!

    pango naman ang ilong

    • Inggit si tae…bakit ikaw, hindi baduy wag ka ngang trying hard magpasosyal, baka namumulot ka rin lang ng lata para may pambayad sa internet mo…

    • If this is the real Charice Pempengco that I know making these lowclass comments, the more I don’t like you…You’re a Ms. Tupperware!

      • gosgosh help me ‘d k kaya pg matapos n ang walang hanggan wagas tlga 2ng teleserye n 2 kht pagod s work pg pinapanood n nmin 2 nwwala tlga pagod nmn …TFC sub. frm singaporr 

    • Ikaw kaya gumawa ka ng sarili mong show! feeling mo ang galing galing mong umarte at akala mo kung sinong kagwapogwapo o kagandaganda, sige ikaw na!! EPAL MO….. pag naging artita ka sigurado akong wala kang fanpage! MUKHA KANG TAE!! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.