Sa Pagtatago ng Trabaho; Opisyal at Kawani ng Gobyerno, Pagmumultahin

PAGMUMULTAHIN NANG malaki ang sino mang opisyal at kawani ng pamahalaan na sadyang itinatago na may bakanteng puwesto sa kanilang mga tanggapan.

Naghain si Rep. Peter Unabia (1st District, Misamis Oriental) ng panukalang “Compulsory Submission and Notification of Vacant Positions in the Government Sector” na naglalayong maisulong ang transparency at openness sa lahat ng transaksiyon at pakikitungo ng gobyerno sa publiko.

Ayon kay Unabia na sa pamamagitan nito, matutuldukan ang tiwaling gawain ng ilang taong pamahalaan na sinasadyang hindi ipaalam sa publiko ang mga bakanteng posisyon sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil nais ni-

lang ipaalam at ibigay ang mga puwesto sa kanilang kamag-anak o kaibigan.

Base sa panukalang batas, sino mang pinuno o kawani na mabigong magsumite ng “notice of vacant positions within the period prescribed by the PESO shall be fined P20,000 for the first offense, P50,000 for the second offense, and P75,000 to P100,000 at the discretion of the court,”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.