Sa pagtanggi ni Mark Anthony Fernandez sa ‘liar’ issue: Claudine Barretto, lalong tumindi ang galit

HANGGANG SA FINAL episode ng SOP last Sunday, dapang-dapa pa rin ang ratings nito na 11.7 laban sa 19.2 ng katapat na programang ASAP. As of this writing, nakakasa na ang ipapalit rito na Party Pilipinas which will be airing two weeks from now.

Bagong programa ito kung tutuusin pero ang hosts, performers at production staff, halos pareho pa rin ng dating bumubuo ng SOP. Parang title lang ng show ang pinalitan. Unless talagang ibang concept ng musical variety show ang bubulaga sa viewers kada Linggo na kakayanin nang kabugin finally ang ASAP.

Sana kasi, magbigay ng suporta ang biggest stars ng GMA sa nasabing bagong musical variety show. Isa sa biggest strength kasi ng ASAP, talagang lahat ng pinakasikat na Kapamilya stars and singers, pati hottest young stars ng ABS-CBN, mapapanood mo doing big production numbers every week.

Wala pang detalye hinggil sa Party Pilipinas. Pero we’ve heard na talagang sinisikap ng lahat sa likod nito na maging bongga at panggulat sa viewers ang nalalapit na pag-ere nito.

Sana nga. Huwag nawang matulad itong Party Pilipinas sa Diz Iz It na mula nang magsimula ng airing ay hindi makahabol sa malaking lamang sa ratings ng tinapatang Showtime. Imagine, sa pinakahuling survey, 6.5 lang ang ratings nito against 24.9 ng Showtime.

Todo na ang effort pero talagang Showtime pa rin ang tinututukan ng nakararami. At dahil dito, usap-usapang baka hindi rin nga tumagal sa ere ang Diz Iz It.

Grabe nga raw ang pressure sa staff ng naturang talent show. Dizzy Iz It, dahil kandahilo na sa pag-iisip kung paano patataasin ang rating nito. Or else – Tsugi Is It na ang programa!

Hala!

SA PAGDIDIIN NI Mark Anthony Fernandez na hindi siya sinungaling gaya ng paratang sa kanya ni Claudine Barretto, balitang lalong tumindi nga raw galit at sama ng loob sa kanya ng aktres. Buong ningning kasing sinasabi ng aktor na hindi niya alam kung saan daw siya nagsinungaling.

“Kung nagsinungaling man ako or hindi, hindi ko ma-pinpoint. Hindi po araw-araw. Hindi ako gano’n araw-araw,” ang nakalilito pang dagdag na pahayag ni Mark.

Para bang ang dating sa sinabing iyon – hindi siya sinungaling araw-araw.

Naloloka rin nga raw sa inis si Claudine kung bakit ipinipilit din ni Mark na nag-sorry na siya dahil sa tatlong beses na hindi nito pagsipot sa dapat sana’y story conference ng pelikulang gagawin nila sa Viva Films, gayong hindi naman daw sila nagkakausap. Maaaring in-assume lang daw ng aktor na okey sila pero ang totoo ay hindi naman.

Patuloy pa ring pinaninindigan ni Mark na hindi siya ang dahilan ng pagkaka-shelf ng pelikulang pagsasamahan nila ni Claudine. Desisyon daw ng manager niyang si Dondon Monteverde na huwag na itong tanggapin.

Conflict of schedule daw kasi. Dahil mas nauna na nilang in-accept ang seryeng Diva na balik-tambalan nila ni Regine Velasquez at nagsimula nang umere kamakailan.

Well, kawalan ba ni Claudiune kung hindi sila maging magkapareha ni Mark? Baka it’s the other way around?

Anyway, marami ang nakapupuna sa pagpayat ngayon ni Mark. Dahilan para paghinalaan siyang baka bumalik na naman sa pagdu-droga. Na mariin din namang itinatanggi ng aktor.

Hindi raw talaga. Kahit ipa-check up pa raw ang ngipin niya.

Eh, ‘di ba kapag drug test, dugo o kaya ay urine ang ang tsini-check? Bakit ngipin?

Just asking!

SA SABADO NA, March 6, ang Battle of The Champions ng Talentadong Pinoy which will be held sa Cuneta Astrodome.  Pitong hall of famer at isang wild card entry ang maglalaban-laban.

Puspusan ang rehearsal at paghahanda ng mga ito sa nalalapit na kumpetisyon ng kani-kanilang talento.

Ang Yoyo Tricker na si Joshua Davis, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman.  Gano’n pa man, pinaghahandaan daw niya ito nang husto dahil gusto niyang manalo. Nagku-concentrate daw siya sa music at sayaw na plano niyang isabay habang nagpapakitang-gilas sa kanyang mga yoyo tricks.

Sa mga gustong sumporta kay Joshua through text votes, i-type lang ang TP6 at i-send sa 2256.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

23 thoughts on “Sa pagtanggi ni Mark Anthony Fernandez sa ‘liar’ issue: Claudine Barretto, lalong tumindi ang galit

  1. Ano vahhhhhhhhhhhh, kulang lang sa pansin itong si clau clau, nagkataon pa na ang linipatan nyang istasyon ay KSP din, kaya yun na!!!!!!!!!!!

  2. hindi maka pag move on si claudine, super pogi pa rin ni mark tignan mo pagtabihin mo silang tatlo ni raymart at claudine para silang isang pamilya. tatay at nanay ni mark si raymart at claudine. nag we wet pa siguro si claudine kay mark.

    sus mio nakakapag laway pa rin naman si mark no comparing kay raymart, sino ba ang nauna syempre kuna ano ang una yun ang hinahanap, palagi mong ikokompare. comparable pa mandin si mark. kaya MOVE ON NA CLAUDINE, init lang yan maligo kayo ng sabay ni raymart.

  3. Totoong tao lang c Claudine. She speaks her mind kaya maraming ayaw sa kaniya. Nasanay kasi mga detractors niya na ang kanilang idolo ay nasa loob ang kulo! c clau clau,hindi! pinapakita niya kung sino siya kaya laging napupulaan.

    • a big yuks, matanda na si claudine hindi na bata, sana naman ay magkaruon sila ng kahit konting humility. nag sorry na si mark nuon pa at pinapalaki lang ni claudine para mapag usapan ang paglipat nya sa gma.

      bitter pa rin talaga si claudine hindi makapag move on.. sabagay si mark ba naman ang una kaya hanggang ngayon nilalasap pa rin at…..

  4. Naku abs bigyan niyo na ng show si angel laos! nagmumukha nang losyang dahil matagal nang natetengga! Nakakaawa naman. Di pa guaranteed ang contract. Paano niya mababawi yung pinandonate niya sa ondoy victims?

  5. Bakit pa kasi kailangang magpaka-hot ng Hitad na si claudine? wala nang paglagyan sa mundong ito ang tulad mong abortion queen.. magsapakan na lang kayo ni marian, pwe!

  6. Tumigil na mga bitter kay Claudine lalo na mga ka ebs! Dati niyo ring kapamilya si claudine kaya irespeto niyo kung ano naging desisyon niya! Wala naman siyang sinasabi against ebs diba? Kung kayo may pamilya tapos binuburo lang ng mother studio,siyempre maghahanap kayo ng ibang paraan para kumita at napakaganda ng ginawa ng gma kay claudine. Nag open sila ng malaking door para sa kaniya at take note…GUARANTEED ANG CONTRACT NIYA! meaning,kahit di pa nag uumpisang mag work sa gma eh sumusweldo na! Oh diba bonggacious ang ate Claudine ko! Mautak! Behlat sa mga detractors niya! Mamatay kayo sa inggit!

  7. isa pa tong retokadang ito, lilipat-lipat ngayon makikipag away para mapansin ulit,. Claudine Barreto-Santiago LAOS KANA! MAS SINUNGALING KA PA KAY MARK ANTHONY.

    ika nga ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.

  8. natatawa ako sa mga sinabi ni mark, di nya raw alam kung san sa nagsinungaling, di naman daw araw-araw, at ang da height ay ang kahit ipa check daw ang ngipin nya. naka droga ata sya e, hehehe, kapag gusto mo ipa drug test ang tao para malaman kung positive sya sa droga sa dentist ba ang punta? nagtatanong lang po. hehehe

  9. uyyyy, gumimigimik para mapag usapan. Hija Caludine, kahit kumain ka ng bubog at lumuha ng dugo, sigurado na akong sesemplang ang show mo Shitty GMA. LAOS KA NA! Just live by that fact.

    • yessssssssssssss, trulili para mapagusapan sya kailangang gumawa ng issue ang hitad. hayaan nyo na lang sya kasi naman, gusto lang nyang mapagusapan para nman mag rate ang kanyang show.

  10. di ko kinaya yung sagot ni mark na hindi na niya mapin point kung nagsinungaling siya. mahirap yan ha! i think claudine has basis if shes angry. wala naman taong gustong niloloko siya noh. nabisto lang si mark kaya siya nagdadahilan ng kung anu ano. its not claudine’s loss. although loss niya na lumipat siya sa gma. baka ma-sop rin ang show niya.

  11. Gagong Mga Alipunga (GMA), hab ng username mo bwahaha

    ayaw mo non presh na presh si mama clau. naka freeze sa ebs paglipat ng gme presh pa rin kase nasa freezer din

  12. yang mga maldita ang tawag sa mga yan “santa santita yun pala maldita” mabait sila kung sa mabait. pero pag nagkaatraso ko or nakanti mo sila ay naku gagawin lahat kahit baligtarin ka pa. kayang kaya nila palabasin na ikaw ang masama or may kasalanan. ganan si Claudine. mga skandalosa pati

  13. siguro “high” si mark ng magsinungaling ke clau kaya hindi niya matandaan ang mga pangyayari.
    sino ba ang mas kapani-paniwala? ang taong adik ba?

  14. i nako kahit saan dalhin may kaaway parin diba si Angel Locsin anaway din nya talagang palaaway iton si cloudine laos na kasi ,si Mark sikat pa

  15. yan talaga ang mga na-la-laos…

    Gumagawa nalang ng ingay

    Ang tagal na nya sa freezer ha…

    Yan ang nangyayari pag lumlipiat ka hahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.