Sa pagtanggap sa kanya ni Binoe
BB Gandanghari, dininig ang panalangin

SA WAKAS ay naayos na ang gusot sa pagitan nina Robin Padilla at BB Gandanghari. Robin recently posted on his Instagram account last July 1 a photo of his son, Ali, playing with BB who was confined in a hospital.

We quote, “My son Ali showing his boxing moves to my sister bb gandanghari who used to be my brother Rustom who beats me up when we were young. she #is so weak because of a very serious infection but her right cross is still as fast as before. my son was surprised and amazed.”

Umani ng mga magagandang reaksyon mula sa publiko ang post ni Robin. Hindi maikakailang nagkalamat ang samahan ng magkakapatid after BB admitted her gender identity. Pero sa kabila ng lahat ay hindi siya nawalan ng pag-asa na balang araw ay magkakabati silang magkakapamilya. “Hindi pa ganoon ka-perfect ang sitwasyon. It’s not really the same. Wala pa kami sa estadong iyon. Iyon ang nakaka-miss. That’s why you constantly pray for peace para maayos ang lahat. Mabalik lang iyong dati,” she once said.

The heavens must have heard BB’s fervent prayer and finally granted her wish. Ibinahagi ng kanilang inang si Mommy Eva Cariño sa The Buzz ang lahat ng nangyari patungo sa pagbabati ng kanyang mga anak.

Ayon kay Mommy Eva, tumawag sa kanya si BB para sabihing may sakit siya. They immediately fetched BB in her condo unit and were surprised to see her son in a dire state. “Pagdating namin doon, natulala ako. Hindi na ako makasalita. Iyong itsura niya parang wala na. Gusto kong umiyak, hindi ako makaiyak. Gusto kong sumigaw, hindi ako makasigaw. Nabigla ako. Hindi ko akalain na ganoon ang dadatnan ko. Siguro baka mga ilang araw na siyang may sakit. Noong talagang hinang-hina na siya na talagang feeling niya siguro mamamatay na siya saka lang siya tumawag sa akin.”

Agad nilang isinugod si BB sa ospital. According to medical findings, she suffered from extreme dehydration. Naniniwala si Mommy Eva na malaking bahagi sa pagkakasakit ng kanyang anak ang di pagkakaunwaan sa pagitan nito at mga kapatid. BB might have felt that her relationship with her brothers and sisters has changed after she came out in the open. “Iba iyong closeness nila noong hindi pa siya ganoon. Alam mo naman iba-iba ang opinyon. Eh ako naman anak ko iyon. Hindi mo naman p’wedeng itapon, ‘di ba? Anak is anak! Ako, kung iisipan mo talaga, masakit na naging ganoon siya pero anong magagawa natin? Wala. Iyon ang gusto niya. Iyon ang napi-feel niya. Sige na lang.”

Tinawagan ni Mommy Eva ang ibang anak para dumalaw sa ospital. They all came and cheered BB up. “Iyong dating ni Robin, ‘O, sister! Kumusta ka na?’ Iyon ang bati agad sa kanya. So nangiti si BB tapos iyong mga kapatid din niyang babae sabi, ‘Ateng! Sister’ mga ganyan so tuwang-tuwa na siya na ibig sabihin tanggap na siya as BB.”

The Padilla matriarch is very happy that everything has been settled among her children. Pinasalamatan niya sila for finally accepting BB for who she is. “Napasaya ninyo ako. Ilang taon kong tiniis na kayo ay hindi nagkakasundo. Ngayon, masayang-masaya na ako. Maraming maraming salamat.” Umaasa rin si Mommy Eva na si BB, who is now discharged from the hospital, ay tuluyan nang gumaling. She is reportedly on strict doctor’s orders to take a bed rest.

BB recently posted a photo of her family on Twitter with the caption, “A family love that heals.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.