Sa Pagtakbong Mayor ng Maynila Erap, magdedesisyon sa Mayo 12

LALONG LUMAKAS ang Partido ng Masang Pilipino (PMP) sa pagpasok nina dating Senator Juan Miguel Zubiri at Isko Moreno sa Partido ng Masang Pilipino (PMP).

Si Zubiri at Moreno ay pormal nang nanumpa kina Enrile at dating Pangulong Joseph Estrada kasama ng iba pang miyembro ng PMP sa Club Flipino sa San Juan.

Ayon kay Enrile, ang pag-resign ni Zubiri sa Senado ay maituturing na moral courage sa kabila ng paratang na siya ay nandaya noong 2007 senatorial election.

Pabor naman si Enrile na tumakbo si Erap bilang alkalde ng Maynila.

“The 2013 elections are connected with the 2016 elections. The 2013 elections are the testing ground. This is the curtain raiser,” ani Enrile.

Samantala, nakatakda umanong ihahayag sa May 12 ni dating Pangulong Joseph Estrada ang desisyon nito kung tatakbo bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa halalan sa susunod na taon.

Una nang lumutang ang usapin ng mayorality bid ni Estrada matapos itong lumipat ng tirahan sa Tondo.

Sinasabing kukunin pa ng dating pangulo si Manila Vice Mayor Isko Moreno na kanyang ka-tandem.

Nilinaw ng Commission on Elections na mayroon umano hanggang Mayo 12 si Estrada para pormal na ipa-rehistro ang kanyang permanent residential address sa Maynila para makuha nito ang itinatakda sa batas na one-year residency para maging kuwalipikado na sumabak sa lokal na halalan sa lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.