Sa pagtakbo bilang senador Alma Moreno, sobrang ambisyosa!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Don’t make your Monday a blue Monday!

Talagang mabubuwang ako sa Earth! Naloka kasi ako sa napaka-ambisyosang si Alma Moreno. Walang takot na magpahayag na tatakbo siyang senador. OMG! Talagang shock to death ako sa kanya. Bakit ‘kamo? Nasubaybayan ko ang career niya nu’ng nag-uumpisa pa lang siyang mag-artista. Pakalat-kalat ito sa Masambong at laging nakikitawag sa kaibigan kong may-ari ng telepono.

Take note, hindi pa uso nu’n ang cellphone. Nakatira kasi dati si Alma sa Cypress Village na konting ulan lang, baha na. Ewan ko lang kung nakatapos ito ng high school. Nagtatanong lang po.

Naging asawa lang niya si Joey Marquez na naging mayor ng Parañaque, nag-ambisyon na ng mataas na posisyon na hindi ko alam kung kabaliwan na ito, senador?!

Calling the attention of Sen. Bong Revilla, baka ito na ang magdadala sa iyo ng kamalasan sa pulitika. Kaya habang maaga pa, pag-iisipan n’yo nang mabuti ang pinaggagagawa n’yo.

Ano ba ang magandang imahe ni Alma sa ating bansa? May mga nagawa ba siyang maganda kahit sa kanyang nasasakupan sa Parañaque? Tanong ko lang, ayos na ba ang problema niya sa walis? Hindi masamang mag-ambisyon, kasi sa lahat ng bagay, ito ang hindi binabayaran. Pero sana naman ‘yung tamang ambisyon para hindi ka mapulaan.

Alam kaya nina Dolphy at Joey Marquez? At siguro kung buhay pa si Rudy Fernandez, isa ‘yan sa hindi papayag na mapabilang si Alma sa tiket ni Sen. Bong. Kasi kaibigang matalik ni Bong si Rudy at ayaw niyang mapahamak si Bong.

Nagtatanong lang ako, ano ang gagawin ng isang Alma Moreno sa Senado? May kakayahan ba siya sa kanyang kaalaman? Pakisagot nga Sen. Lito Lapid.

Kung si Sen. Miriam Defensor-Santiago ang tatanungin, isang sagot lang ang sasabihin niya: You gotta be kidding! Hindi siya katulad ni Sharon Cuneta na kahit papa’no, mas may alam sa pulitika. Una, anak siya ng isa sa pinakamatagal na nanungkulang mayor sa Pasay, si dating Mayor Pablo Cuneta (RIP). Pangalawa, asawa siya ni Sen. Kiko Pangilinan. At pangatlo, siya ang iniendorso ni Sen. Miriam.

Sorry po, hindi ko minamaliit ang kakayahan ni Alma Moreno. Kaya lang, ‘yan ang   aking opinyon. Respe-tuhin na lang po. At sana, makara-ting ito kay Alma. Kasi, hindi ganda ang labanan sa Senado, kundi ang kaalaman. Pero teka, may ganda pa ba siya?! Ikaw na!

 

ISA PANG nakakalokang hindi ko maintindihan, na kinausap daw ni Dina Bonnevie ang GMA management at may proposal daw siyang inilapit na sila ng kanyang asawa sa kasalukuyan na si Ilocos Sur Vice Gov. DJ Savellano, na sila ang magpo-produce ng show ni Dina na ilalabas sa Siyete.

Kaloka as in, na gusto raw ni Ms. D na muling bumalik sa talk show hosting tulad ng mga nauna niyang shows. Pero teka, sa aking pagkakaalam, laging second choice lang itong si Dina ‘pag nagkakaroon ng show, at hindi naman nagtatagal sa ere.

Nasabi ko ito kasi nakasama ko na ito sa isang talk show, remember? Sa Channel 9 , ‘yung Actually… ‘Yun Na! Dating si Kris Aquino at Arnell Ignacio ang nakasama namin. Na-buntis at nanganak si Kris, pero nangako si Kristeta na pagka-panganak niya, babalik siya sa show, kasi napakataas ng rating at nanalo pa ng award sa PMPC na Best Showbiz-Oriented Talk Show.

Pero hindi tinupad ni Kris ang pangako niya, kaya pinalitan ni Dina, at si Willie Revillame naman ang pumalit kay Arnell, kasi bumalik si Arnell sa Katok mga Misis nang mamatay si Giovanni Calvo. Ayon si Kris, nasa GMA-7 na rin sa Startalk. Take note, hindi nagtagal, tsugi ang show namin, kasi bagsak sa rating as in zero.

Alam kong matalino si Ms. D, pero wala siyang x-factor sa hosting. At take note, kung sino ang tatapatan ni Dina, si Kris or Sharon Cuneta. Any way, why not? Kung husay at credibility ang pag-uusapan, na kay Dina lahat ‘yan. Kaya lang, wala siyang suwerte sa hosting. Mas okay pa yatang siya ang pumalit kay Alma Moreno na tumakbong senador, may laban pa.

Kasi si Dina ay isang Bicolana at karamihan ng mga Bicolanong senador, panalo, tulad nina Helena Benitez, Kalaw at Jamby Madrigal. Tutal ang asawa niya ngayon ay isang pulitiko. Sey mo, sey ko? ‘Yun na!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

16 thoughts on “Sa pagtakbo bilang senador Alma Moreno, sobrang ambisyosa!

  1. pag lumaban c alma maraming makikinabang dahil magsasabog n pera yan. pero jusko wag namn sanang iboto ng mga tao ito at lalong kawawa ang pinas

  2. Let us encourage Nora to run for President. Alma for Senator. Annabelle Rama for Congress. Ruffa for First Lady ( first in the history of the world – voting for a First Lady ). Doomsday is coming to Philippines. Maawa kayo sa ating bansa.

  3. Let her run she has the right ( pero may right mind ba siya? ). It is up to filipinos kung iboboto siya. Si Lito nanalo so baka manalo rin si Alma. Pero if you and Lito are truly public servants you will not run kasi maaawa kayo sa ating bansa. So who will run for President sa susunod? Nora, where are you? Sounds very nice – Miss President, Aunor. Dios Mio! God help the Philippines!

  4. ano pa bang bago ng politika sa pinas? yung mga artista eh nagiging mautak na rin dahil malaki ang chance nilang manalo dahil alam nila ng malaking porsyento ng mga pinoy eh bobo. kahit walang alam sa pulitika eh iboboto dahil nakikita sila sa tv and movies. sapol ng kabobohan ng ilang pinoy, yung mga marcos, pinaluhod sa hirap ang pilipinas pero nasaan na sila ngayon? ayun, nasa congreso at senado.

    sa unang pagkakataon, may point itong si swangit about alma. bakit ayaw nya munang magsimula sa mababang pwesto then work her way up?

  5. halos lahat sa mga nasa pulitika is either Trapo(traditional politician) or artista. Kaya kung minsan naiisip ko, may kinauunlad ba ang Pinas? Sana naman… Bahala na ang mga botante mag decide, kaya kailangnan pagisisip isipang mabuti ang mga kandidato nyo bago bumoto dahil nakasalalay dyan kung anong klaseng gobyerno ang magiging ang Pinas.

  6. Naku naman swarding,magkano pera binigay sa yo panay ang puri mo kay Aling Sharon na wala galang sa tiyahin,eh yun ama naman din ni Sharon taba eh kurakot din di bah?kaya go go go Swarding tutal mukha kang pera like Cristy Fermin,sipsip to the max kayo.yun nah pak

  7. @ Maria, actually it was issue of Joey Marquez.. they purchased “walis tingting” worth 45 pesos isa ( not so sure), in fact alam nmn naten na ang isang bungkos ng walis ting-ting ay nagkakahalaga lng ng ma-miso that time. in short, nangurakot si joey marquez. —– dun nmn sa comment ni swarding na “mas ok pa si Sharon”.. ehem, anong kina-ok ni sharon eh simpleng bashers nga sa twitter pinapatulan? pano nlng kung totoong laban na sa pulitika??? malamang pumatay n ng tuluyan si sharon… kalurky ka swarding.. sarap mo sampal- sampalin hanggang malagas ngipin mo, (kung may ngipin kp)… syado ka din mayabang magsalita ng sinabe mo about Alma na === Pero teka, may ganda pa ba siya?! Ikaw na!
    === bkit ikaw???? may ganda kb eversince nag exist ka sa mundo??? di lang nmn si Alma ang ambisyosa… madaming artista ang ambisyoso at ambisyosa.. mga bgsak ang career kaya pulitika nmn ang papasukin… kasi nandun ang malaking pera…

  8. hayaan nu na si Ate Ness tumakbo, kasi pag nanalo (????) stya eh di may katsikahan na si Sen. Lito Laid hahahaha… Hindi na mapapanis ang laway nila pareho, diba???

  9. ay si maria tatangatanga!!! walisin kita dyan eh! at putrizk isa kang hitad na bading! malalaglag ang matris ko sa iyo panget1!!

  10. Anong ibig sabihin ni Swarding na “yong kaso ni Alma sa walis”? Anong kaso ito? Can anyone please share this with me? Salamat.

  11. INGGIT KA LANG SWARDING KASE WALA KANG KWARTA EH SI ALMA MUKHANG MARAMING PERA KAYA MALAKAS ANG LOOB NA TUMAKBO HAHA!

  12. DAY PAG ARALAN MO MUNA KUNG PAANO MAGSILBI BILANG MAYOR HINDI YUNG TRIP MO LANG MAGING SENADOR.BASTA GANUN-GANUN NA LANG. SARILI MO NGA HINDI MO MAAYOS -AYOS. WALA NAMAN KAYONG GAGAWIN SA BAYAN KAHIT UMUPO PA KAYO WALA NGA KAYO WALA PARIN KAYO MAGAGAWA PARA SA BAYAN. MAGNANAKAW LANG KAYO. PERA NG BAYAN YUNG NINANAKAW NYO AT PERA NG MGA TAXPAYER. KAYA MANAHIMIK KAYONG LAHAT.

  13. hindi ako fan ni Alma kaya lang ,napakawalanghiya mo talaga Swarding,ano naman pakialam mo kung gusto tumakbo ni Alma for Senator its her choice ka matalo siya o manalo,wala kang pakialam don,kung problema mo ito di you go and protest sa Senado,isama mo yun mga katulad mong walanghiya like Ogie Diaz,but pls huag mong isama ang mga mamabait na bakla ok leave them alone

Leave a Reply

Your email address will not be published.