Sa pagtakas ng Reyes brothers BI Comm. David, Hindi Magbibitiw

 

TINIYAK NI Bureau of Immigration (BI) Commissioner Ricardo David na hindi siya magbibitiw sa puwesto dahil lamang sa pagtakas ni dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid na si Coron Mayor Mario Reyes dahil sa tulong ng dalawang empleyado ng naturang ahensiya.

Sinabi ni David, wala naman itong kautusan sa kanyang empleyado na tulungan si Reyes at kapatid nito na tumakas ng bansa noong March 18 ng kasalukuyang taon.

Aniya, tanging si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Justice Secretary Leila de Lima lamang ang makakapagsabi kung magbibitiw na siya sa kanyang puwesto.

Ang pagpapabitiw sa kanya ay galing lamang sa mga kritiko, dagdag pa ni David.

Ang mga reaksyon ng nasabing opisyal ay kasunod ng mga panawagang magbitiw na ito sa puwesto dahil sa isyu ng pagtakas ng magka-

patid na Reyes na suspek sa pagpatay sa Palawan broadcaster na si Gerry Ortega.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.