Sa pagsusuplado sa kababayan sa Amerika
Michael V., ipinagtanggol ni Kuya Germs

IPINAGTANGGOL NI Kuya Germs Moreno ang komedyanong si Michael V. kaugnay sa isyu nitong pagsimangot at pagsusuplado nito sa mga kababayan natin sa Los Angeles na nag-sponsor ng dinner para sa casts ng Pepito Manaloto nang nag-taping ang mga ito kamakailan.

Tsika nga nito, may karamdaman daw ng mga sandaling iyon si Michael V. kaya naman daw hindi ganu’n kasigla ang magiliw na komedyante na marahil ay nanibago lang ang ating mga kababayan doon.

Ang dinner daw na nabanggit ay para sa mga staff ng Pepito Manaloto, sumama lang ang mga artista para maging bonding na rin ng lahat. Nauna na raw si Michael V. sa resaturant na napag-usapan at wala pa ang sponsor nito at sinabihan na lang siyang omorder na, pero magsasara na raw ang nasabing restaurant kaya naman daw ang ending ay lumipat sila ng ibang restaurant.

Kaso ‘yung nilipatan nilang restaurant ay sobrang layo ang pagitan sa napag-usapang restaurant na kung ilang oras ang biyahe. Pero pagdating nila, pasara na ulit ang restaurant dahil hanggang 10 pm lang ito. Kaya naman lumipat sila ng iba pang restaurant na bukas.

Doon na raw nag-iba ang mood ni Michael V. na marahil ay dahil na rin sa masama ang pakiramdam nito at kung ilang beses na rin silang nagpalipat-lipat ng restaurant. Dito napansin ng mga kababayan natin sa L.A. na hindi ito kumain, hindi na rin ito nagsalita at nang matapos ang dinner ay hindi na rin ito nakapagpaalam, dahil marahil mas sumama na ang pakiramdam nito na hindi alam ng mga kababayan natin doon.

At nang sumunod na araw, dumalaw sa taping ang mga kababayan natin at doon ay magiliw silang hinarap ni Micahel V. Na-misinterpret lang siguro ng mga kababayan natin doon ang naging gawi ni Michael V., dahil hindi alam ng mga ito na masama ang pakiramdam ng komedyano.

Katulad na nga lang ng sabi ni Kuya Germs, “Tao lang ang mga artista na nagkakasakit, nalulungkot at hindi palaging masaya, lalo na ‘pag may nararamdaman na hindi maganda.”

 

GALING MISMO kay Sir  Bong R. Osorio (head ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications), narito ang OFFICIAL STATEMENT ng ABS-CBN.

“Ms. Amalia Fuentes has resigned as actress for the upcoming teleserye, Muling Buksan ang Puso, due to creative differences with the production team and the challenges and demands of regular taping schedules.

“Her resignation has been accepted and her replacement will be announced soon.”

 

ANGAT NA angat ang kaseksihan ni Jennylyn Mercado sa pagrampa nito sa katatapos na na Bench Show Fashion Week na ginanap kamakailan.

Well proportion at ang hula ng marami ay talaga namang pinaghandaan ni Jennylyn ang kanyang pagrampa nang gabing iyon. Kaya naman kahit matatangkad ang mga modelong kasabay nitong rumarampa ay hindi nagpahuli si Jennylyn at talagang nag-shine among the rest suot ang magagandang Bench Body Collections na lahat ng mga taong naroon ay napahanga.

Present ang CEO/President ng Bench na si Sir Ben Chan, habang dumalo naman at nanood sina Raymond Gutierrez at BB Gandanghari.

 

HAPPY ANG former member ng XLR8 at ngayon ay nagsosolo na si Arkin Del Rosario dahil maganda ang rating ng kanyang guesting sa TeenGen last kung saan tinalo nito ang katapat na show sa ABS CBN, ang Luv U. Bukod pa sa habang pinapalabas ang guesting ni Arkin sa TeenGen ay nag-trending ito sa Twitter.

Marami ngang tagahanga ng young actor ang humiling na sana raw ay maging regular ito sa nasabing teen show bilang bagong dagdag sa original cast.

Bukod sa guestings nito sa GMA, mapapanood din si Arkin sa Walang Tulugan With The Master Showman at mapakikinggan sa DZBB 594 every Tuesday bilang teen co-host ni Kuya Germs, Mega Ohlala at Janna Chu Chu, at kasama din sa pelikulang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi ng Viva Films.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.