Sa pagsugpo ng korapsyon
Ratings ni PNoy, bumaba

BUMABA ANG approval ratings ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa pagkilos nito laban sa korapsyon.

Base sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 14 hanggang 27, bumaba sa 47% ang dati’y 59% na approval ratings ng punong ehekutibo noong Marso.

Sinasalamin naman nito ang pagtaas ng disapproval ratings na mula sa 11% ay umakyat sa 27% o katumbas ng 16-percentage points.

Lumalabas din sa nasabing survey na tumaas ang ratings ng korapsyon sa pamahalaan nang lumutang ang isyu ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Mula sa 31% noong Hunyo, 48% na ito o katumbas ng 17% na pagtaas.

Binabanggit din sa survey na pinaka-concern ang mga Pilipino sa paglaban ng pamahalaan sa korapsyon (48%) at pagkontrol sa inflation (48%) o pagtaas ng bilihin, pagtaas ng pasahod (46%), at paglikha ng trabaho (42%).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.