Sa Pagsama ni Mar Roxas sa Delegasyon ni P-Noy sa US: Binay, tikom ang bibig

“SI MAR ANG tanungin n’yo.”

Ito lamang ang naging tugon at tumangging magbigay pa ng kanyang komento si Vice President Jejomar Binay sa pagdalo ng dating Senador Manuel “Mar” Roxas II sa delegasyon ng Pangulong Aquino sa biyahe ng huli sa Estados Unidos.

Dumating si Binay sa Palasyo noong Huwebes ng umaga para pangunahan ang panunumpa ng 11 na bagong opisyales ng gobyerno.

Inatasan ni P-Noy si Binay upang kumatawan dito sa lahat ng social activities tulad ng oath-taking rites na naganap noong Huwebes habang ito ay nasa US para naman sa isang weeklong working visit.

“Pakitanong mo na lang sa kanya. Alam mo baka makulayan pa kung ano ang sasabihin ko riyan,’’ sagot ni Binay sa tanong ng mga reporters kung ano ang masasabi nito sa ginawang pagdalo ni Roxas sa biyahe ni P-Noy, samantalang natalo niya ito nagdaang vice-presidential race noong Mayo.

Mayroon pa raw election protest case na inihain si Roxas laban sa kanyang pagkakapanalo sa nakaraang eleksiyon.

“Let him decide for himself,’’ ani pa ni Binay tungkol kay Roxas.

Walang pakialam si Binay kung hindi man siya ang nadestino bilang government caretaker habang nasa ibang bansa ang Pangulo.

“It doesn’t matter to me, live with the realities now,’’ dagdag pa ng Pangalawang Pangulo, dahil madali nang makipag-ugnayan ang Pangulo ng bansa sa mga opisyal nito sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sa Pagsama ni Mar Roxas sa Delegasyon ni P-Noy sa US: Binay, tikom ang bibig

Leave a Reply

Your email address will not be published.