Sa pagratrat sa brgy. Chairman
Partisano, inako ang paglikida

CAPTIAL PUNISHMENT ang parusang iginawad ng operatiba ng Partisano ng Gitnang Luzon kay Barangay Chairman Ronaldo ng Legaspi ng Brgy. Liputan, Meycauayan, Bulacan.

Ito ang pag-ako ng armadong grupo ng Partido Marxista-Leninista ng Pi-lipinas, kaugnay sa napau-lat na pagbaril sa Legaspi umaga ng Marso 11, 2013 sa Wawang Pulo, Valenzuela City.

Ginawa umano ang paglikida kay Legaspi bilang tugon sa “matagal nang karaingan ng mamayan ng Brgy. Liputan…”

Sa ipinadalang e-mail ng Partisano sa Pinoy Parazzi, sinasabi nito na mistulang munting kaharian ng pamil-yang Legaspi ang Brgy. Liputan, kung saan umiiral ang batas ng pananakot ang pamumuwersa.

“Kamakailan ay binugbog nito ang kanyang kagawad dahil lamang sa hindi nito pagsama sa kanilang kampo sa pag-file ng kandidatura. Ang kabalbalang ito ni P/B Legaspi ay tahasang paglabag sa karapatang pantao. Pero sa halip na kondenahin at parusahan, pinuri’t pinarangalan pa ito ng mayor ng Meycauayan.”

Matagal na umanong ginagawa ng angkan ni Legaspi ang nasabing pananakot at pananakit.

“Sobra na ang pagmamalabis ng pamilyang ito sa sarilng kapangyarihan. Mula sa kanyang ama, pinamana kay Ronaldo ang paghahari-harian sa Liputan. Hindi pa makakalimutan ng Partisano ang pamamaril ng mga ito sa bangkero sa nasabing lugar na sa kabutihang palad ay nakaligtas,” ayon pa sa e’mail.

Sinasabi rin ng Partisano na “armado ng mataas na kalibre ng baril ang pamilyang ito at nagagamit pa nila ang katangian ng lugar na napapaligiran ng tubig upang kontrolin at takutin ang mga mamamayan kapag hindi sumang-ayon sa kanilang kagustuhan. Si P/B Ronaldo Legaspi ay isa sa mga gun runner at nangangalaga ng mga gun for hire sa Bulacan at Valenzuela.”

Sa huli, sinabi ng Partisano na hindi nila pinalalampas ang pang-aapi at pang-aabuso sa taumbayan.

“Ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga tiwaling opisyal ay dapat parusahan para sa kata-rungan ng inaaping mamamayan. Ang aksyong ito ng Partisano ay magsislbing babala rin sa mga tiwaling opisyal – lalo na sa lokal na pamamahala na nagiging makinarya sa pandaraya sa tuwing may eleksyon,tulad ng pamimli ng boto, panggigipit at pananakot sa mamamayan.”

Naiulat na pinagbabaril si Legaspi ng riding-in-tandem habang nililinis ang kanyang sasakyan sa garahe ng kanilang bahay sa Wawang Pulo.

(PINOY PARAZZI EXCLUSIVE)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.