Sa pagpirma ng another 3-year Contract sa GMA 7
Hiro Peralta, wish na makatrabaho si Carla Abellana

Hiro-PeraltaPUMIRMA NG panibagong 3-year GMA Network Contract ang Tweenstar na si Hiro Peralta, kaya naman 3 taong magiging certified Kapuso ang Pamangkin ng yumaong si Francis Magalona.

Kasama sa nasabing contract signing ang mga big boss ng GMA 7 sa pangunguna ni Atty. Gozon, Ma’am Lilybeth Resonable, Simon Ferrer at Ma’am Gigi Lara na ginanap last Jan. 22 , 2014 sa boardroom ng 16th floor.

Ayon nga kay Hiro nang makausap namin sa mismong contract sigining, “Pinag-isipan muna namin ng manager ko bago ako mag-sign ng another 3 years sa GMA 7, kung anong susunod na move after mag-expire ‘yung kontrata ko.

“Ilang meeting din ‘yung nangyari, kung anong magiging plano sa akin ng GMA, tapos nu’ng okey na ang lahat at diniscuss sa akin ng manager ko ‘yung plans, right away sinabi ko sa kanya na mas gusto ko pa ring maging Kapuso.

“Naisip ko kasi na nu’ng nagsisimula ako, ang GMA ang nagtiwala sa akin, sila ‘yung kumuha sa akin at pinapirma kaagad nila ako ng 3 years network contract. Dito kasi ako nagsimula, kaya para rito na rin ako mag-grow bilang artista.

“Alam ko namang aalagaan ako ng GMA 7 at hindi nila ako papabayaan, alam kong bibigyan nila ako ng show na nababagay sa akin, pagtatapos ni Hiro.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.