Sa pagpatol sa mga ‘di kakilala
Sharon Cuneta, lumabas na talunan

PSSST! SABI ko nga ang column ko dito sa Pinoy Parazzi at mga programa ko sa radio ay may temang POLITIKA, SHOWBIZ, SCANDAL, SWARDING, TSIKA! Kaya pasabog na naman tayo ng maiskandalong tsika!

Naloka ako sa napanood ko last monday na parang ang host ay ang baklitang si Shalala sa Sharon, Kasama Mo, Kapatid na kung saan labas na naman ang uhog ni Sharon sa kaiiyak na parang nagpapaawa. Kaloka, as in parang gusto kong isara ang TV sa mga paliwanag niya tungkol doon sa last question ni Shalala sa mga basher ni Sharon sa twitter na

bakit niya pinatulan ang mga tweet sa kanya. Na talagang hindi raw niya nakayanan kasi ang anak niyang si KC Concepcion ang inuupakan, kaya talagang nasaktan daw siya nang grabe na kung saan ipaglalaban daw niya ng patayan.

Kahit naman daw sino namang ina ay maaapektuhan sa mga paninirang ibinabato sa kanyang anak. Pero kumambyo si Sharon sa dulo ng kanyang paliwanag na nandoon ang kanyang pagsisi sa pagpatol niya at pakikipagpag-away sa mga taong hindi niya kilala nang personal. Sising-sisi raw siya na pinatulan ang kampo ng fans ni Piolo Pascual.

Kung ako ang tatanungin, dahil sabi niya 35 years na raw siya sa showbiz, ako naman 45, kaya siguro may karapatan akong mag-comment sa mga kaek-ekan ni Sharon. Correct me if I’m wrong sa mga nagbabasa ng kolum ko. Bakit kailangang patulan ni Sharon ang mga taong hindi naman niya kilala? Kung sino ang inaaway niya, wala naman, at hindi naman kawalan sa kanyang buhay. Sino ba ang apektado? Panalo ang pinatulan niya at baka pinagtatawanan siya kasi pinatulan siya ng isang Megastar. Sino ba ang nagngigitngit at sino ba ang nahihirapan sa mga nangyayari lalo na ang emosyon laban sa kanino man? Sino ba ngayon ang nahihirapan sa nangyari? Ang basher o si Sharon na parang nawalan ng kapayapaan ng kalooban kundi ang mambato nang wala sa katuwiran?

Sino ba ang hindi mapakali? Kaninong panahon ba ang nasayang at sino ba ang nagpuputok ng butse? May kasabihan nga na ang galit ‘pag hindi naihanap ng katuwiran ay talagang mahihirapan kang mangatuwiran. Dapat ngang kainggitan siya, kasi ilang dekada na siyang namamayagpag, nandyan pa rin siya, masaya ang pamilya, maganda pa rin kahit mataba, may career, at higit sa lahat masalapi at asawa ng senador.

Kaya lang, doon naman sa mga taong mapanira na wala namang basehan at walang dahilan, ano kayang buhay ang mayroon sila? Sila kaya ay may kunsensiya pa? Hindi sila maligaya sa mundo kung wala silang magawang negatibo sa kapwa. Sana magsikap sila na mawala na ang mga mali nilang ginagawa sa kapwa at kulang sila ng tiwala sa sarili na ang kahulugan sa akin ay inggit. Ang mga taong may inggit sa katawan, ‘yan ang mga taong kulang sa pansin tulad nitong mga pinapatulan ni Sharon, mga walang urba-nidad.

 

LAST SUNDAY, pagkatapos ng program ko sa DZRH.TV, tumuloy kami ng aking anak na co-host ko, si Lady Camille, at ang magandang si Ivy Batulahar sa Music 21, kung saan ginanap ang presscon ng pelikulang Talo, Tabla, Panalo. Halos sabay kaming dumating ng director ng pelikula na si Direk Buboy Tan.

Maya-maya, dumating na si Kuya Germs. Dapat kasi 6pm ang umpisa ng presscon, kaya lang nakiusap si Kuya Germs na 5pm daw siya puwede hanggang 6pm. Kaya maaga pa, hindi mapakali si Chito Alcid. Tinawag ko rin ang producer ng pelikula na si Amy Abarquez ng Amytony Foundation. Nasa bahay pa raw sila at paalis pa lang, dahil 6pm nga ang alam nila. So, double time, follow-up din si Chito sa mga press na naimbitahan niya na agahan ang dating.

Habang wala pa ang mga kasamahan ko, nagkausap kami ni Kuya Germs tungkol doon sa naisulat ko na tatakbo siyang mayor ng Quezon City at kakalabanin si Bistek. Ngiti ang sagot niya sa akin, at hindi na raw niya kaya ang maglingkod. Kasi alam niyang tumatanda na rin siya. Pero sinabi niya na talagang marami ang nagsasabing dapat tumakbo siya.

Anyway, isa-isa nang nagdatingan ang press, dumatin na rin si Eddie Garcia. Sad to say, hindi nakarating si Boots Anson-Roa, kasi nasa ibang bansa. To cut it short, ok naman ang naging takbo ng presscon at ito nga ay magkakaroon ng grand premiere nigth sa Thursday, Nov. 15, 2012. 6pm at the AFP Theater, Camp Aquinaldo, Q.C. Trilogy po ito, bida si Kuya Germs sa Talo, si Eddie naman sa Tabla at si Boots sa Panalo. Kasama po ang inyong lingkod sa episode na Panalo.

Kaya kita-kits. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

18 thoughts on “Sa pagpatol sa mga ‘di kakilala
Sharon Cuneta, lumabas na talunan

  1. SANA NAISIP NG LAOS NA BALYENANG YAN NA MAY NANAY RIN SI PIOLO NA NASASAKTAN SA MGA PARINIG, PATUTSADA AT PASARING NYA KE PIOLO!!!! ANG KAPAL NAMAN NG APOG NYA MAGIIYAK AT SABIHIN INA SYANG NASASAKTAN EH YUNG NANAY NI PIOLO DI BA NASASAKTAN SA M GA DIREKTANG TIRADA NYA???? HAY SHARON WAG KA MASYADO MAGPAAWA EFFECT DI BAGAY DAHIL IKAW MISMO SA SARILI MO EH BASHER NI PIOLO KAPAL NG APOG MO!!! NGAYONG NIRESBAKAN KA NG MGA FANS AT HINDI FANS NI PIOLO EH IIYAK IYAK KANG BALYENA KA AT MAGBABANTA PA KE PIOLO???? HOW PATHETIC ARE YOU??? AT TO THINK N A NILAITLAIT MO ANG MGA SKWATERS NA LAGI MONG GUEST AT AUDIENCE MO SA WALANG KA KWENTA KWENTA MONG SHOW?! HINDI KA MAN LANG NAHIYA SA KANILA NA SYANG NAGPAYAMAN AT NAG LUKLUK SA AMA AT ASAWA MO????? KAPAL MO SHARON TULAD NG INA MONG KABIT!!!!

    • Hahahahaha, nakakatawa yong huling sentence mong “KAPAL MO SHARON TULAD NG INA MONG BAKIT”.  Oo nga no?  Di ba may first wife si Pablo Cuneta?  Na annul kaya ang first marriage nila Pablo at first wife nito bago sila nagsama ni Elaine Cuneta? 

  2. Sharon, tama ang karamihan dito. Take their advice na magpapayat ka na lang at sorpresahin mo ang mga fans mo. Tumahimik ka at gulatin mo na lang kami sa comeback mo. Loose some weight. Tignan mo si Dawn Zulueta na dati mong karibal kay Richard Gomez. Ang ganda ganda niya. She takes care of herself. Maganda ang mukha mo. Tapatan mo ng magandang katawan. Huwag kang iyak ng iyak at nakakaumay na. At bawas bawasan mo ang pagka bungisngis mo. It is a sign of weakness. Good luck and like i said, surprise us. Sana nababasa mo ang mga comments dito.

  3. wala bng ngpapayo kay sharon na umalis sa twitter na yan at ginagawa syang katatawanan,pumapatol kasi, kaya sya ang target ng mga bashers kasi alam nla na pikon tong sharon na ito,o ayan na naman nga c kris aquino na naman ang pinagbalingan nya samantala ung poser na KRISSY ang ng tweet, grabe na talaga itong sharon parang wala ng pinagkakaabalahan, may career pa ba yan, naku baka sabihan pa ako ng DONT PUSH ME d naman ako fan ni piolo

  4. hahaha magsitigil nga kau about kay idol shawi..dpat mgmahalan kau hindi ngtatalo -talo,tutal sa caloocan lng pala kau nakatira di nman pla s ca.hehe mrmi problema ang pinas wag na kau magpadagdag ng prblma..kuha nio….!?

  5. Kaysa patulan mo ng patulan ang mga ina away mo,na hindi mo naman ka kilala..Mag Papayat ka nalang  Pwedeee.para namang may mag Offer sayo ng Movie.ang sagwa sagwa mo kayang Panoorin sa TV.yan ang pag tuunan mo nang pansin,hindi yong mang aaway  kapa ng Kapwa mo Artista at Fans na di  mo nakikita…oo nga ma pera kana pero iba parin yong kahit papano inooperan kanang Movie or Teleserye Man lang.KuHa Mo,Sharon Taba chingching..

  6. Grabe naman talaga yang NEGA SHARON na yan Noh! Grabe sa Arte grabe sa lahat…kung hindi ba naman NEGA,Mga hindi nya ka kilala at nakikita ayy Pinapatulan  nya pa.kaya walang Dudang nag mana sa kanya ang anak nyang si NEGA  Daughter..grabeng grabe din sa OA!!!!!!!!!!!

  7. wag mong kaming idamay sa mga kagagahan mo ha! marami kming nagmamahal kay sharon d2 sa california. wag kng pakikita sa amin maghihiram ka ng mukha sa aso marina ybanez. 

  8. hoy ! marina  kapal mo kilala kita no , california kmi mga sharonians kaya tumigil ka. kung ayaw sugurin ka nmin.  gaga ! pangit ng ugali mo .

  9. Ok! Tabachoy Mega Star – I hope you learned you’re lesson but I guess it is too late. Na turn off na talaga ang mga tao sa iyo dito sa California. I for sure and my friends and I will continue to tell everyone to never come to your concerts here – Hwag ka na sana pumunta dito- We do not Like you and your daughter…Palenke Queen.

    • HOY MARINANG IMPAKTA.. SINO KA PARA PAGBAWALAN MO C MEGA SHARON PAGBAWALAN MAGCONCERT DITO SA CA.. pagaari mo ba ang america,naka drugs ka ba?? taga CA. din ako,, alam ko marami fans c sharon dito…,, wag ka lang papakita sa akin dahil kakalbuhin kita ng buhay..yabang nito magsalita porke taga ca .. daw??,,, bitter ka lang at inggitera… kasing pangit ng mukha mo ang paguugali mo… hindi ganyan ang ugali ng mga laking america,,, may breeding ang mga taga states dahil,, magaganda ang trabaho at buhay namin dito..ikaw halatang halata ang pangit mong ugali….get a life looser!!

    • Tumigil nga kayo mga palaka!…pakali-California pa kayo eh pareho lang naman kayong mga dakilang atsay sa caloocan…pati ba naman liempo pinag-aawayan nyo pa…kaloka

Leave a Reply

Your email address will not be published.