Sa Pagpatay sa Sariling Anak AMA, SINISISI ANG MGA TSISMOSANG KAPITBAHAY

ISINISISI NG AMA na pumatay sa kanyang sariling anak na isang taong gulang pa lamang sa tsimis ng mga kapitbahay kung kaya’t nagawa niya ang krimen noong nagdaang araw ng Linggo sa Sitio Poster, Barangay Maravilla, lungsod ng Tabuelan, lalawigan ng Cebu.

Ayon sa suspek na si Alfredo Taglucop Jr., 29, sa kanyang pag-amin kay Sr. Supt. Erson Digal, director sa Cebu Provincial Police Office (CPPO) at sa media, nagawa niyang patayin ang anak nang itsismis ng kanyang mga kapitbahay na hindi niya anak ang biktimang si James Amper.

Ang nasabing tsismis ang naging dahilan ng madalas nilang pag-aaway ng asawang si Maribel at nadamay lamang ang bata.

Nabatid na hinanap ng suspek ang kanyang misis sa kanilang bahay subali’t wala ito at ang bata ang dinatnan at ito ang kanyang pinagbuntunan ng galit hanggang sa pagsasaksakin niya ito hanggang sa mamatay.

Hinihinala pa ng pulisya na ginawang sakripisyo ang bata matapos na aminin ng suspek na miyembro siya ng isang kulto kung saan ang kanyang ama na si Alfredo Sr., ay chapter leader ng kanilang samahan. (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.