Sa pagpatay sa lover ni utol PAF member, pinaghahanap

ILOILO CITY – PINAGHA-HANAP hanggang sa ngayon ang isang miyembro ng Philippine Air Force (PAF) na suspek sa pagpatay sa Batad, Iloilo.

Kinilala ang suspek na si Roger Regalado Jr., 39, residente ng Brgy. Kaw-i, Batad at nakatalaga sa Air Education and Training Command ng PAF sa Basilio Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Si Regalado ang itinuturong responsable sa pagpatay kay Allan Paisano, 34, ng Brgy. Kaw-i, Batad na nagtamo ng multiple gunshot wounds mula sa .45 caliber pistol.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen sa Sitio Kamingayan, Brgy. Kaw-i, Batad ang pitong empty shells ng nasabing kalibre ng baril.

Ayon naman sa kapatid ng biktima, may relasyon si Paisano at nakatatandang kapatid ng suspek sa kabila ng pareho nang may asawa ang mga ito.

Ito ang tinitingnan nilang nag-udyok sa suspek upang patayin ang nasabing biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.