Sa pagpasok sa pulitika
Luis Manzano, naninimbang kina Edu Manzano at Vilma Santos

HININGAN NAMIN ng reaksyon si Luis Manzano tungkol sa naging pahayag ng amang si Edu Manzano na kung siya ang masusunod ay ayaw niyang pasukin ng anak ang pulitika, kung saan nabalitang gustong tumakbo ni Luis bilang Mayor ng Lipa, Batangas sa darating na eleksyon kung saan gobernador naman ang inang si Gov. Vilma Santos.

Ayon kay Luis, opinion ‘yun ng kanyang ama at may bigat sa kanya dahil first hand opinion iyon at minsan na ring sumubok ito sa pulitika. Kasabay rin niyang tinitimbang dito ang maganda namang ehemplo ng kanyang ina na nagawa nito sa Batangas kung kaya’t may dalawang panig siyang kinukonsidera at tinitimbang.

Nagbigay ng saloobin niya si Edu sa nakaraang panayam sa kanya na mas malaki ang kinikita ng anak sa showbizness at nang minsang maging Chairman siya ng OMB ay nawalan talaga siya ng mga proyekto sa showbizness at ayaw nitong maranasan ito ng anak na maganda ang tinatakbo ng career sa showbiz.

Ipinaliwanag sa amin ng TV host/actor na hindi naman niya sinabing papasok talaga siya sa pulitika at ibang tao ang gumagawa ng ingay tungkol dito. Para kay Luis, maaari lamang niyang subukan ang pulitika kung ‘di na siya masaya sa ginagawa niya sa showbizness at may panawagan talaga sa kanya ang taong-bayan.

Sa isyu namang lumabas na may balak na raw silang pakasal ng girlfriend na si Jennylyn Mercado, inamin sa amin ni Luis na puwede naman talagang mauwi sa kasalan ang relasyon nila ng aktres. Pero sa ngayon, wala pa ito sa kanilang isip.  Dahil sa mga lumabas na balita ay may nag-inquire na nga sa simbahan para sa pagpapakasal ng dalawa, nagbiro sa amin ang aktor na sana ay makilala niya kung sino ang gumawa nito para sa kanila.

Aminadong masaya sa tinatak-bo sa career nilang dalawa ni Jen, kung saan marami ang nagsasabi na mukhang suwerte sila sa isa’t isa, sumang-ayon naman sa amin si Luis kung ang pagbabasehan ay ang ganda ng tinatakbo ng career nila ni Jen ay may katotohanan nga ito. Kung si Jen ay may ginagawa ngayong isang serye at pelikula, bukod naman sa Kapamilya Deal or No deal, ASAP Rocks at Sarah G., isang show kung saan magiging judge siya ang nakalinyang gawin ni Luis at isang pelikula na matagal na niyang pinapangarap gawin.

 

BALIK-SHOWBIZNESS MULI si Marc Solis via a serye sa ABS-CBN, ang Kapag Puso’y Masugatan under the direction of Direk Wenn Deremas, kung saan makakasama niya sina Iza Calzado, Gabby Concepcion, Jake Cuenca and Andi Eigenmann.

Unang sabak pa lang ay naaksidente na agad si Marc, kung saan sa eksenang kinunan ay tinamaan ang kanyang forearm ng mga bubog at dahil bleeder ay grabe ang lumabas na dugo sa aktor. Bilang isang propesyonal, pinatapos muna ni Marc ang eksenang dapat pa niyang tapusin bago siya nagpadala sa ospital para ma-check kung walang bubog na naiwan sa forearm niya.

Labis-labis ang pasasalamat ni Marc sa tsansa na ibinigay sa kanya ni Direk Wenn na kilala namang bukas-palad para tumulong sa mga nagsisimula at sa mga artistang gustong magbalik-showbizness. Nangako naman sa amin ang aktor na higit niyang pagbubutihan ang trabaho at kung anumang proyekto na ipagkakatiwala sa kanya lalo na sa seryeng ito na magsisilbing comeback project niya sa industriya.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

MelbaLlanera

About the Author

has written 280 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Sa pagpasok sa pulitika
Luis Manzano, naninimbang kina Edu Manzano at Vilma Santos

  1. Heto Gimik: Totoong tatay ni Luis: Babalu
    Pwede na ba yan???

    Lubayan si Luis. He is a smart kid. Minsan super smart pa nga at di siya nawawalang ng sinasabi.

  2. Wala na bang ibang gimik na pwedeng gawin para pag-usapan pa si Luis Manzano bukod sa pagpasok kuno nito sa pulitika at ang love affair kuno nila ni Jen Mercado. Utang na loob, sawang sawa na kami dyan.

    • sawang -sawa kn pla comment k nmn ng comment sa articles about Luis, kung sawa kn eh wag kn mgbasa ng article about him at lalo wag k mgcomment…hahahha baliw ka teh

Leave a Reply

Your email address will not be published.