Sa pagmumura kay Daiana Menezes sa set Shalala, dalawang araw lang sinuspinde sa Juicy

BLIND ITEM: SA halip na madala kami sa madadramang tagpong tampok ang isang neither-young-nor-old actor in a daily soap ay komedi ang dating nito sa amin.

Komedi in the sense that he is partnered with an actress with whom he’s supposedly in love, pero lumalabas pa rin ang kanyang pinakatagu-tagong beki side. This actor has yet to break free from the tsika once linking him to a senior actor na naka-“donselya” sa kanya.

By that (in quotation marks), we mean literal. Inialay lang naman ng aktor ang kanyang “poetry” sa senior actor. Kung ginamitan ba siya ng “palayaw” ni Richard Gomez, hindi namin sure. Isa lang ang tiyak, mala-title ‘yon ng pelikula noon ni Vilma Santos… Masarap, Masakit Ang Pag-ibig!

 

HOPEFULLY, BY THIS time ay personal nang humingi ng sorry si Shalala kay Direk GB Sampedro, nobyo ni Daiana Menezes na minura niya kamakailan on the set of Juicy bagama’t off-camera.

Sa kung anong dahilan, nagbabalik-alaala kay Shalala ang kanyang pangit na karanasan kay Daiana, this triggered his utterance of cuss words like P.I. na bagama’t hindi nahuli ng camera ay marami ang nakakita’t nakarinig.

Wala man siya roon, nakarating kay Direk GB ang pangyayari. Natural na masama ang loob ng direktor. For his part, Shalala issued a statement of apology on Paparazzi (directed by GB), pero hindi ‘yon sapat to assuage the hurt feelings of GB on his girlfriend’s behalf.

Nakausap namin mismo si GB, hinihintay lang daw niyang lumapit sa kanya si Shalala to personally apologize. “Hindi naman ako palaaway, eh. Hindi rin ako confrontational. What if biglang nagkita kami? Siguro, sesermunan ko lang siya,” mahinahon niyang sabi.

May alam ba siyang sanctions ng TV5 sa inasal na ‘yon ni Shalala? “Ang alam ko, sinuspinde siya.” Gaano katagal, we probed. “Isa o dalawang araw,” sagot ni GB.

A one- or two-day suspension, para sa amin, is not a suspension at all. Baka nga ikinaligaya pa ito ni Shalala, taking it as a well-deserved respite para pag-ukulan naman ng panahon ang kanyang mga ipinagmamalaking “extra-curricular activities” that include making a couple of minors come to his rented house for a taste of ecstatic moments.

Mabait pa kung tutuusin ang TV5 for this light penalty considering Shalala’s serious offense, na puwede naman niyang gawin nang walang mga taong nakakarinig, na posibleng makarating sa mga pinatutungkulan niya.

Hindi man aminin ni Shalala, malaki ang tampo niya kay German Moreno. Ang umano’y nag-stagnate daw niyang career sa likod ng anino ni Kuya Germs for the longest time ang nagtulak sa kanya upang kumawala sa poder nito.

If this is a clearly defined premise, hindi kaya nakapagbitiw rin ng ‘di-magandang salita si Shalala laban sa Master Showman? Worse, sinisiraan niya ito sa kanyang bagong tahanan?

Just asking.

 

ABANGAN NGAYONG LUNES sa Face To Face ang kuwentong Tuwing Ika’y Nahihimbing At Tayo’y Naglalabing-labing, Inuungol Mo’y Pangalan Ng Iba Mong Ka-something-something!  Taped in Morong, Rizal, masama sa loob ni Emma dahil sa tuwing nagtatalik sila ni Boboy, her live-in partner of 17 years, ay pangalan ni Baby ang inuusal nito, hindi pa man umaabot sa climax.

Pero sa paghaharap ng mga tauhang sangkot sa kuwento, nabuking na hindi lang pala si Baby ang kulasisi ni Boboy kundi meron pang Sally na lumantad din. Hayun ang maelya pero kaawa-awang Boboy, butones na lang ang natira sa kanyang suot-suot na polo nang sugurin ng kanyang mga chinochorva.

Matinding sumbatan naman sa pagitan ng magbiyenang-hilaw na sina  Judith at April ang nakapaloob sa episode bukas na Malamig Na Rehas, Mamanugangin Ko Ang Dapat Humihimas, ‘Di Anak Ko Na Ginawa Niyang Balasubas!

Himutok ni Judith, napariwara raw ang kanyang anak na si Ronald dahil kay April na nagturo ritong gumamit ng droga.  Dahil sa kalaspatangan ni April sa pagsagot sa kanyang biyenang-hilaw, hindi napigilang humulagpos ang composure ni Amy Perez nang sabihin nitong, “Ang bastos mo!”

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

12 thoughts on “Sa pagmumura kay Daiana Menezes sa set Shalala, dalawang araw lang sinuspinde sa Juicy

  1. Juicy is such a waste of time. Watched it once but felt no use of watching or even listening to it. Cristy fermin glorifies willie revillame whom I’ve read had bought her a van. Now we know why she sells him that much.  All hosts talk at the same time that viewers won’t even understand a single word. It is like a wet Market.  Hope tv5 Creates a much valuable and sensible show to replace it. 

  2. tama ka jan ness..me dn dati tlga inaabangan q lage juicy kya lang ngsawa n dn me sa mga paninira nla d n mganda pakinggan..at lage q inililipat pag naririnig q na c willie s usapan..kala m santo kung itrato n cristy..sayang tlga juicy..

  3. I used to watch Juicy before, but I got tired of listening to Cristy Fermin’s ” alleluiahs ” to Willie Revillame all the time ( is she a PRO of WR ? ) ang mga blind items nyang panay paninira sa kapwa, hindi ba sya pwedeng kumita na hindi kinakalakal ang buhay ng mga nanahimik na tao, pati sila IC at shalala, nakikigaya, bakit hindi kumuha ang tv 5 ng host na may finesse at breeding naman….SIYA AY ISANG TSISMOSA NA HINDI MAPAGKAKATIWALAAN….

  4. sino yung B.I
    di ko mahulaan…

    about kay shalala…yumabang na talaga yan….lumaki ulo
    di rin yan magtatagal sa showbiz kase chaka ugali

    sino yung B.I…
    pakihula naman for me…tnx

  5. ayan ang barkadahan ng juicy negang nega kasi puro paninira lang sa mga artista lalo na ang mga taga channel 2 di naman sila pinapatulan kasi mas may breeding mga taga 2 no ang iba jan mga bayaran.

  6. MAY PASIMBA-SIMBA PA YAN SA QUIAPO TAPOS PURO KALASWAAN LANG PALA ANG LAMAN NG BIBIG NITONG PANGO NA ITO. YAN ANG MGA TIPO NG TAO NA HINDI MAGIGING SUCCESSFUL SA SHOWBIZ KASI WALANG PRENO ANG BIBIG. DAPAT I-BAN NA RIN NG RADYO 5 YAN KASI PURO LANG SIGAW ANG GINAGAWA SA ERE

  7. Nakakatawa ang mga unggoy este tao pala na nagmumura sa kapwa tao. Ano na lang ba ang tingin ni Shalaley sa sarili nya, carabao at ang ibang mga tao mosquito na lang? Tsk Tsk Tsk.

  8. KAPAL naman ng mukhang kinangkang ng mga lasingero yang shalala na yan! may K ba yang hitad na balahurang baklang yan na dati-rati ay tambay lang sa kanto ng ermita at nanghahalay ng mga pulubi!

  9. Hindi naman ganyan ang ugali ni SHALALA nung kasama pa siya noon ni Kuya germs sa WALANG TULUGAN. Buti nga at tinutulungan pa siya ni Kuya germs noon sa kabila ng lahat sa kanyang pangit na hitsura nagka work siya dahil ke kuya germs pero hindi lang sapat yun para ke shalala gusto niya sumikat kaya siya lumayas sa walang tulugan at naki join ke CRISTY. Kaya ngayon sinisiraan pa niya ngayon ang dating nagbigay sa kanya ng trabaho. Masamang ugali ang ganyan SHALALA. DAHIL kahit minsan hindi ka nakarinig ng masamang sinabi sayo si Kuya Germs. Wag kang makikinig ke SHREK FERMIN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.