Sa paglobo ng Dengue cases Naga City, Nasa State of Calamity

 

IDINEKLARA NG lokal na pamahalaan ng Naga City na isasailalim na sa state of calamity ang naturang lungsod kasunod ng pagtaas ng kaso ng Dengue sa loob lamang ng limang buwan.

Base sa talaang inilabas ni Mayor John Bongat, lumalabas na 242 na ang kasong naitala sa pagsisimula pa lamang ng taon.

Lumalabas na 68 ang tinamaan ng Dengue noong buwan ng Enero, nasa 29 noong Pebrero, umaabot sa 85 noong Marso, nasa 51 naman nitong nakaraang Abril habang siyam nga-yong buwan ng Mayo.

Dahil dito, inaasahang aakyat pa sa 100 ang kaso ng Dengue sa lugar nga-yong taon, kumpara sa 683 na mga kasong naitala noong taong 2011.

Napag-alamang ga-gamitin ng sangguniang panlungsod ang makukuhang pondo sa pagbili ng ilang kagamitan at gamot upang masugpo ang lumalala pang kaso ng Dengue.

Nakatakdang magsumite ng petisyon sa Sanggunian si Bongat upang mapagtibay ang nasabing panukala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.